Friday, December 23, 2011

Hani Jokes

Ayon sa history ko ng mvltiply ko, ang hvling bumisita sa site ko ay si....Hani Herbert Ho! Parangalan natin siya ngayon ng Hani Jokes na ipo-post ko dapat noong 2007 o 2008 [noong heyday ng Mvltiply]...

It's good to be back!

1) Pawisin si Hani. Pwes, paano mo nalalaman pag may Hani sa paligid mo?
- Nasa hanimuyak ng hanin
 
2) Anong amoy ni Hani?
Haniline
 
3) Nung nag-MMA [daw] si Hani, anong nangyari sa career-starting match niya sa Arreneo?
Hanniliated siya. Doon nag-start ang career niyang maging dedikadong tambay.
 
4) Kung pinagsama si Hani at Monmon ano kinalabasan?
HaniMon
 
5) Ano life quote ni Hani?
- Aanhin pa ang masamang damo, ay siya ding hahanihin.
 
-itutuloy...

Thursday, December 8, 2011

Chillelagh

The world is complex. It's twisted. It's understandably beyond reasonable limits of the normal human mind; this limit being something the wise barely understands and the intelligent scoffs at.

It doesn't matter who succeeds, who progresses. It doesn't matter who is rich, poor, opinionated, divine. It's all about trying hard not to break down and shatter into insanity, of which many people fail, and would fail.

I may be the first, but certainly not the worst...

Wow, pwede na akong scriptwriter sa angsty movie! I gotta future~!

Sunday, August 14, 2011

Kasayangan

Wow, nawala ko na ang progress ko
noong high school days
sa isang grupo ng mga paraan
para mangwasak ng mga romantic relationships
bilang ikatlong partida.

Binuo ko ang mga paraang ito
dahil Malthusiano ako minsan sa buhay
at ngayon nawawala na ang anti-relationship strategy guide ko
kung kailan napaka...viable nito gamitin
sa isang newly-formed couple
na gusto ko pagpractisan ng mga technique na ito
sapagkat kinakailangan nila.

O buhay.

Monday, July 25, 2011

sona dich tree

1. sinong nanood ng sona? 2/3

2. kung oo, natuwa ka ba? 4/5
3. kung hindi, bakit? 6

4. kung oo, bakit? 7
5. kung hindi, bakit? 8

6. ____________________
7. ____________________
8. ____________________

Alam nyo, para sa mga hindi natutuwa sa SONA kanina, hindi nagtalumpati ang pangulo kanina para paligayahin kayo, kasi hindi kayo mahalaga sa kanyang katayuan. Kayo, ang lahat ng inyong gawain, bunga, daing, hinaing, hininga, at anu-ano pa ay iniipon lamang ng pamahalaan na parang newsfeed lang para sa kanya. Trabaho lang niya iyan, hindi buhay niya. Hindi siya, at hindi niya pinangako, maging martir ng bayan, lalung-lalo na pag hindi siya talaga ginusto ng karamihan. Kaya nga tayo naghalalan, para malaman kung sino ang gusto ng madla. Totoo, kulang at kulang-kulang ang pagpipilian, ngunit bilang ganito ang konstitutyon natin...

Ah, ngunit hindi na dapat ako naglalathala ukol sa mga ganitong bagay. Hindi pa rin nagbabago ang mga tao. Tama lang.

Wednesday, May 18, 2011

kanina

naglalaro ako ng civ 4

simple lang naman goal ko eh, sakupin ang mga kapuluang nakakalat sa daigdig na iyon

tapos nag-settler rush ako. sa kasawiam-palad naipit ako ng Alemanya sa kanan, at Russya sa kaliwa. ang lalakas pa man din ng mga iyon

kinuha ng alemanya ang mga pulo sa kanan ko. nag-aagawan kami ng russya ng mga pulo sa kaliwa, kasi inipit ko ang kanyang paglawak

sa huli, dahil pang-late game ang laro ko at nabaon ako sa kakulangan ng pera ay ambagal ng research ko.

lahat ng mga kailangan kong wonders pinagkukuha ng di-ko-kilalang bansang bastos. sayang ang balak kong sakupin ang mundo.

balang araw...balang araw.

Wednesday, May 4, 2011

pampagising post

dahil ayaw ko maulit ang Laser General Disaster of 2010, nagbuo ako ng committee na magpapagising sa akin nang maaga. Pero dahil lagi kong nawawasak ang alarm clock ko, umaasa na lang ako sa celfon ko na may mga...less desirable ringtones na pampagising.

Pero ngayon, alam ko na na mali ako. Alam nyo yung tipong, pag-gising mo at nagdadalawam-isip ka kung cut o class?

Nalaman ko habang pinapalitan-palitan ko ang alarm tone ng celfon ko na mas nakakagising ang ibang kanta. Hindi dahil superheavy metal siya, kundi dahil nakakahiya siyang kanta para marinig ng mga dormmates.

Seryoso. HIYA. Yun ang pampagising na alarm clock. Pero dahil may taste ako, ayaw ko na ang alam clock ko ay yung tipong "...bakla ka bakla ka bakla ka bakla ka bakla ka..." lang ang tunog. Mas maganda pag kanta, na hindi "bakla ka bakla ka" lang ang lyrics.

Tama. Kanta. Ang kantang hindi nakakalalaki. Ang kantang...pag malaman ng ibang lalaking dormmates mo na sa iyo yung bastardong alarm clock na yun, bubugbugin ka kasi sinira mo ang mahimbing nilang tulog gamit ng Spice Girls. Tapos gising ka na matapos mabugbog. At may excuse ka pa para di pumasok!

Mga ilang kantang nagpapabangon sa akin (para patayin ang alarm nang di magmukhang ewan sa dorm):

1) Friday ni Rebecca Black - "alam natin na may ganyang kanta ka para pambiro lang, pero hindi biro ang magising nang wala sa oras dahil sa kantang yan. at hindi rin biro ang kamaong ito sa mukha mo"

2) basta MCR - kasi emo eh

3) pambabaeng birit song - malakas na boses at hudyat ng kabaklaan rolled into one. bugbog sigurado.

4) basta Hagibis - nagpapakalalaki, pero pilit na, tapos sobrang 70s pa

5) lahat ng Air Supply - araw-gabi na lang iyan sa radyo, tapos pag-gising pa nila unang-unang maririnig nila Air Supply pa rin?

6) basta Jessa Zaragosa - gay

7) basta April Boy - nagmumukhang posser gangster heartbroken yung ganito ang pampagising sa umaga

8) Jose Mari Chan, Christmas song man o hindi - basta wag. Babala; wag. Awa naman wag gamitin sa alarm clock.

9) sound_test (yung text tone ko) - kung yung mga kababaihang alta sociedad ng Bio sinusugod ako mismo nang nayayamot dahil sa sakit nito sa tenga, mga probinsyanong nagpapaka-pobre pa kaya?

10) basta Cueshe - wala nga ito dapat sa music collection ng matinong tao, sadly

11) 90s boy bands - di maganda magpaka-nostalgic habang tulog

12) Lupang Hinirang - galangin naman ang Inang Bayan

13) Shalala Lala ng Vengaboys - di ko alam, mas nakakaasar ito: ang intro, instruments, at stanzas, pag ito ang bumubulabog sa gising ng tao

14) MMMBop ng Hanson - seryoso, kung hindi kayo bingi noong 90s sawa na kayo sa kantang ito

15) My Heart Will Go On ni Celine Dion - same reason: narinig mo na ito enough times to last a whole lifetime dahil sa Titanic

16) Pinoy Ako ng Orange & Lemons - overused na kanta, lagi na lang sa PBB dati; di ka pa sanay?

17) basta Spice Girls - basta mali sa umaga

18) Lady Gaga, lahat - pag napanaginipan ng dormmates mo na suot nila costumes ni Lady Gaga, sisiguraduhin nilang di ka matutuwa sa tulog mo

19) Doris Day - nagigising ka niyan?

20) Cheeky Song ng Cheeky Girls - gigising ka pa kaya niyan matapos gulpihin?

21) Happy ng Alexia - nakakaasar din, parang yung kanta sa taas.

22) 90s na Britney Spears - nakakapedo daw kasi mga kanta niya

23) TiK-ToK ni Ke$ha - kasi nakaaasar ang mga party girl songs, lalo na ang pakutya nitong intro. Redeeming factor ang chorus, pero dahil napuputol ang alarm palagi bago umabot sa chorus, parang bitin na nakakainis na babangon ka para lang mandiri sa unti-unting pagkawasak sa mga tradisyonng Pilipino, katulad ng decency.

24) Tatsulok - alam na naming lahat ang mga problema ng Pilipinas dahil sa mga STAND-UP, kaya wag mo i-simula ang araw namin namroroblema sa mga suliranin ng Pilipinas. Stress na rin kasi eh.

25) Moffats - dahil madaming tao ang pilit kinalimutan ang bandang iyon. Nevertheless, ang hirap alisin ang lss dulot ng mga kanta nila

26) Smells Like Teen Spirit ng Nirvana - dahil nagmumukha kang grunge posser

si9ge, yan muna

Thursday, April 28, 2011

Friday, April 22, 2011

delta post

now here's something of interest: i am currently operating below capacity. nothing new with that; i have always held myself back from hitting and exceeding limits, the lower the better. normally i would attribute that to the fact that i am saving the Multiverse itself by example of a person who conserves order and prevents entropy from destroying everything corporeal that we cherish.

however, that would render my very existence moot, and more dangerously, a positive contributing factor to entropy. to prevent this though, i have a plan.

a lobotomy. a surgical strike at the personality centers of my mind.

this will, hopefully, increase my productivity (allowing me to do more out of life and be less lazy) and efficiency (allowing the Multiverse to exist longer) at the expense of moodiness (which adds to multiversal disorder) quirkiness (which also adds to multiversal disorder) and practical funniness (which would reduce laughter and the pointless change in mood it causes)

a robot, if you will. analytical, calculating, efficient, productive, cold. and we may have found more than one manner to achieve such. autohypnotism may have a good shot at achieving the effect, as well as willpower manipulation. no technique invasive; all psychological and understandably safe.

the question is, would you want that change? sure, you'll lose a weird trex, but then, at least you lost a weird annoying trex in favor of a dependable productive efficient trex. so the former (current) trex, or the latter trex?

Monday, March 7, 2011

Linggo ng Impierno


115: it's all green!
102: it's all meat!
150: it's all microscopic!
101: it's all gulay!
116: it's Mamaril. Oh the humanity!
119: it's all fish-shaped fish!

Hell week naman o. Nagwalkout ang gamit ko.
Actually, nanakaw sa mcdo bag ko. Andun ang Pechenik ko. Andun ang external ko. Andun ang laptop ko na configured para kumalap ng internet kahit saan, kung saan ang lahat ng songs, academic stuff old testaments since 2nd year PSHS, games, movies, songs, pictures, et al. Andun ang external ko, kung saan may more songs and movies. Andun ang lahat ng aaralin ko for this hell week.

Tapos ngayon wala na, likely binubura na ng mga magnanakaw dahil hindi nila alam ang tunay na halaga ng laman ng laptop at external na iyon, ni hindi nila alam ni walang pakialam sa Invertibrates book na iyon, o sa notes na iyon. Kapag alam nila ginagawa nila ibabalik nila ang lahat ng gamit ko uinscathed, pero likely bobo sila at walang pakialam kung ang kanilang panandaliang takaw para sa pera ay magdadala ng ilang dekada ng kawalan ng pagasenso ng buong mundo. Ang ginawa nila ay magdadala ng maagang pagkaagnas sa kanila, at mga minamahal nila. Ang ginawa nila ay sumira sa isa sa mga pinakamasigasig at pinakamaligalig na kasaysayan; ang kawalan nito ay ang kawalan ng milyun-milyong mga historyano sa buhay-akademiko mula 2005-2011. Ang ginawa nila ay magdadala lalo ng gutom sa kanila, kahirapan sa bansa nila, at kawalan ng pag-asa sa mga samu't-saring mga tao sa mga sumusunod na henerasyon.

Dahil sakim sila. Dahil di nabantayan ang gamit. Dahil di alam ng Ateneo couple ang halaga ng bag na iyon. Dahil hindi nila naintindihan sinabi ko.

Ang halaga ng Pechenik ay malaki. Ang halaga ng Mamaril notes; malaki din. Ang halaga ng 150 notes ay bumaba, pero tataas ulit dahil sa kalokohan nila baka mapafinals pa ako. Ang halaga ng 119 notes; dahil sa kanila ang food security ng bansa ay nabawasan ng ilang taon. Pero ang halaga ng mga data sa external at sa laptop mismo....buhay. Hindi lang sa kanila, kundi sa bilyones na naghihintay ng lunas na ang pagdating ay naudlot dahil sa pamimik-ap nila ng bag. Mas mahihirapan bumangon ang Pilipinas. Mas mapapabilis ang pagkasayang sa likas-yaman ng mundo. Mas mapapabilis ang pagdating ng mainit na kamatayan ng kalawakan, dahil lang gusto nila ng pera. Sapagkat di lang kalokohan ang laman ng laptop na iyon. Ang dala niyon ay pag-asa, kaligayahan, talino, at galak sa madami, sa madla, sa masa, sa kanilang mga salisi boys mismo pa nga, kapag natapos lang ang mga proyektong nakatago sa hard disk na iyon. Ngunit hindi, at dahil doon sila ay hindi makakaramdam ng talagang tamis at ligaya, at buhay na kaysaya sa bansang sana'y kayganda, mundong sana'y napagpuspusan ng mga bunga ng mga binhing nakatago sa laptop na iyon. Nabubuhay lamang sila para sa isang madilim na katapusan; kahit ako ay naaawa din sa kanila at kanilang pagkakamali.

Bagaman gusto ko maghanda ng isang matinong huling pagpupugay sa laptop na iyon, masyado akong busy kasi hell week ko ngayon. Dapat mabalik sa akin ang gamit ko bago pa lumala ang kalagayan ko, at lalo na ninyo. Hindi ninyo alam ginagawa ninyo; dala lang ninyo ang kamatayan ninyo.

Monday, February 14, 2011

Diba Kahapon Valentines na Naman?

parang dati lang....

Walang nagbabago talagang malaki sa akin ano? Ako na ang human constant.

At sa totoo lang, masarap hindi magbago din, na parang napapanood mo lahat ng mga kasama mo nagsisitandaan, nagkakapamilya, nagkakamatayan, at ikaw ay natitira sa trabaho o pag-aaral mo sa buhay na hindi natatapos. Maaasahan mo na may bukas kang makikita, may kahapon kang naaalala, may ngayon kang papansinin.

Na habang ang mga tao nag-uupgrade na ng "mygaaash" sa "*pawang katahimikan lamang*", ikaw ay nagsasalita sa paraan na naiintindihan ng mga tao ngayon at ng panahon nina Aguinaldo.

Na habang ang mga tao nagkakamaturidad na, naghahabol na ng mga pangarap, tinatakwil na ang mga dating adhikain andyan pa rin ikaw, di nagbabago hanggat makakaya.

Na habang ang mga tao nagsasama o nagbabasagan ng puso, pinapanood mo lang sila mag-away o magkatuluyan at pinapaalala sa kanila kung ano ang nakaraan nila, kung gaano sila kasaya sa unang beses maramdaman ito at gaano kasaya na napatagal (o nabasag) ang mga pagsasamang ito. At lahat nito masasabi mo nang walang pakundangan kasi ikaw mismo ay lagpas sa mga panandaliang mga relasyon.

Na habang ang mga tao nagsisimatayan sa katratrabaho para sa mga pangarap na lumalayo lamang lalo nakita mo na at nalaman ang katotohanan, at natutunan i-enjoy ang buhay ngayon.

O di ba ang saya?

Kasi naman, kung kailan di ko kailangan magcram dun pa ako nagpupuyat para sa acads. Somewhere Down the Road... to Perdition. Ahahahaha.

Thursday, January 13, 2011

Ka-PC-han

- bakit ganoon?
- halos lahat ng topics na maisip ko meron sa wikipedia except sa bio?
- ang scientific journals na pinakakailangan mo ay iyon pa ang hindi nabili ng pamantasan ng agham, o kaya ay nasa paaralan ng ekonomiya kahit na alam mong bio major ka?
- walang tuwid na sagot sa katanungan mo na nakukuha mula sa scientific journals?
- walang tuwid na tanong sa mga presentation mo, na derived naman mula sa scientific journals?
- mas madali magbasa ng Cracked.com kaysa sa textbook?
- mas madali magbasa ng textbook kaysa sa ebook?
- kaya mo i-stalk ang prof mo ukol sa degrees niya, papers niya, favorite beach camera poses niya, pero hindi mo pa rin alam kung gaano talaga ka-hirap siya magpaexam?
- kung may kinakailangan kang i-research ukol sa organism, yung tumutumbad sa Google ay laging yung mga website na nagbebenta ng organism na iyon?
- rare ang laptop na immediately compatible sa LCD projector?
- rare ang laptop na gumagana pag may LCD projector?
- laging information overload of marginally useful stuff ang scientific journals?
- scaled ang grade-acquisition difficulty sa grade-acquisition technology such as that walang advantage talaga bumili ng educational gadgets?
- scaled ang grade-acquisition technology sa money-acquisition success such as that mas yumayaman ang bumibili ng educational gadgets without respect sa grades?

O bakit?

Monday, January 10, 2011

Ukol sa Tamang Pag-aaral

Ang 1st LE ay para ma-assess ang stock knowledge,so di dapat inaaral yan.

Ang 2nd LE ay para malaman yung taste ng prof sa pagpa-LE, so di sineseryoso ang aral diyan.

Ang 3rd LE ay countercheck ng data mula sa second exam, so di din dapat sineseryoso ang aral diyan.

Ang 4th, 5th, at 6th LE ay para makuha ang graph ng pag-aaral vs. effect nito sa grade, assuming quadratic iyon (ganun sa akin). Dagdagan ng datapoints (and thus exams) kung mukhang sa higher polynomial function ang graph. Wag pa rin seryosohin ang pag-aaral kasi baka masira ng outlier scores ang graph.

Ang 7th LE (or more, depende sa dami ng datapoints na kinailangan), ay para malaman kung nagbabago ang taste ng prof sa pagpaexam habang lumilipas ang panahon. Kung anong aral sa 2nd or 3rd exam ay iyon din ang gawin sa 7th exam.

Ang 8th LE ay countercheck ng data mula sa 4th, 5th, at 6th LE, kaya para rin hindi masira ang graph di inaaral iyan.

Ang 9th LE di na rin inaaral kasi hopeless na. Wala nang pag-asa. GG na. Suko na.

Sunday, January 2, 2011

Survey Lance

Ever fight in a church?
- It's spiritual, man.

When was the last time someone said you were hot?
- tagal na

When did you last lie with a straight face?
- recently

What is the most money you have spent on a gift?
- so far wala pang Php 400, ngayong Christmas

Ever taken pics you regret?
- oo. incriminating din minsan eh.

Would you rather live in the country, city, or suburbs?
- country

Last time you were truly in love?
- did I?

Do you think all guys think with their little head?
- maliit ulo namin?

Ever take money from a stranger?
- premyo! bakit ko tatanggihan?

Who is on your mind right now?
- yung babaeng humihiling ng navel pierce

Do you think piercings are sexy?
- depende

Who did you last curse at?
- di ako mangkukulam....pa

Do you donate blood?
- yes

Are you religious?
- R. E. M. - Losing My Religion

Where did you graduate from?
- MPPA

Do you like your job?
- no, at ayaw ko yata ang most likely job ko

What is you're heritage?
- taste for music ng pamilya, at ang aking cool apelyido

What is you're favorite kind of music?
- varies

Are you healthy or do you have medical problems?
- operational, with defects syempre

What was the last Youtube video you watched?
- Top Gear

Do you have any ridiculous fears?
- er, takot ako matawag na mayabang. Gravely.

What is the most disgusting thing you have ever seen on the internet?
- must I recall that?

What should you be doing right now?
- pinapaunlad ang Pilipinas

What is your favorite thing to spend money on?
- national improvements

Do you regret doing anything over the last week?
- dapat nilasing ko na mga kaibigan ko

If you could have any type superpower what would it be?
- perpetualization

Who will be the next president of the United States?
- not me! Sisilbihan ko ang bayang sinilangan ko, at natatakot ako na pag nailuklok ako sa puwestong iyan ay makalimutan ko ang pinagmulan ko

When did you last have a great kiss?
- never. duh!

What was the last thing you purchased?
- driving eyeglasses

What are your current goals?
- mapuntang (at manatili) sa langit

Ever see the 2 girls 1 cup video?
- yep

What so far is the single best moment of your life?
- di ako sure eh

Do you watch the olympics?
- nope.

What do you do to try and help the environment?
- Realization: The environment is safe. We are who are really in danger.

What is your most favorite meal in the world?
- madaming choices eh

What do you think of guys that wear pink shirts?
- "Lad di ba kayo nahihirapan labhan iyan?"

What is your favorite breed of dog?
- stuffed

Is there a celebrity that you don't understand why they're famous?
- oo

Do you dislike any celebrities?
- nope

What do you think of dating someone you meet on the internet?
- caveat emptor

Do you return purchases back to the store often?
- minsan lang

Is there any TV shows you wish were still on the air?
- Addams Family, yung original na Twilight Zone

What is your favorite smell?
- so far vanilla

How do you feel about the cost of college tuition?
- justified method of wealth transfer

What hobby would people be surprised that you enjoy?
- darts at pellet guns

In the last year have you learned or improved on any skills?
- meron naman, pero kulang

Are there "friends" in your life that you wish weren't in your life?
- I prefer that they return in my life instead. Sorry na, pwede ba?

Is there any accent that you find sexy?
- yep

Do you prefer yellow or white gold?
- yellow

Do you know what your birth flower is?
- di yun tinuro sa Bio ah....

Would others say you are open minded?
- no one really knows; no one cares anyway di ba

Do you honestly consider yourself a good friend?
- situationally good friend

Are you looking forward to anything that is happening in the next 24 hours?
- hmm, booty-huntingy, Star City, at dinner!

Have you ever set up friends and they ended up together long term?
- long-term dislike!

If you could have any person in the room with you right now who would it be?
- (wide knowing grin)

What were you doing right before you started this? preparing for studying

EVERYONE HAS THEIR FIRSTS ~

FIRST REAL BEST FRIEND: Paul (or Pole, di ko sure talaga)
FIRST SCHOOL: MHCS
FIRST CELL PHONE: 5110
FIRST FUNERAL: most likely sa auntie ko
FIRST PET: PUSA!
FIRST BIG TRIP: Goa, Camarines Sur
FIRST FIGHT: 3rd year high school, kasi normally umiiwas ako eh
FIRST CELEBRITY CRUSH: nope
FIRST TIME OUT OF THE COUNTRY?: never
FIRST JOB: wala.
FIRST MULTIPLY FRIEND: most likely si Jimpo Berba<ding!>


EVERYONE HAS THEIR LASTS ~

LAST PERSON YOU HUGGED: magulang ko
LAST CAR RIDE: kani-kanina lang
LAST TIME YOU CRIED?: summer, bilang foreshadowing
LAST MOVIE YOU WATCHED: yung Agimat-Enteng Kabisote combo
LAST FOOD YOU ATE: refrigerated cake
LAST ITEM BOUGHT: driving eyeglasses
LAST SHIRT WORN: Toronto Canada shirt thing
LAST PHONE CALL: ama ko
LAST TEXT MESSAGE: discipler ko
LAST KISS: ina ko
LAST THING YOU TOUCHED: laptop
LAST FUNERAL: The Death of 2010
LAST TIME AT THE MALL: kanina
LAST TIME YOU WERE EXCITED FOR SOMETHING: now
LAST PERSON YOU SAW: si kuya rovs, yung roomhopper
LAST THING YOU DRANK: Gatorade
LAST PERSON THAT BROKE YOUR HEART: she is still alive, the way I prefer her to be
LAST TIME YOU WERE REALLY HONESTLY HAPPY?: kanina?



WRATH.

1. Who did you last get angry with?
- most likely parents

2. What is your weapon of choice?
- bunch-of-keys-on-a-MPPA-ID-strap

3. Would you hit a member of the opposite sex?
- dapat

4. How about of the same sex?
- varying meanings of "hit"

5. Who was the last person who got really angry at you?
- most likely ina ko, based sa theoretical hormonal status at partial manifestation ng personality at relationship namin

6. What is your pet peeve?
- Beggars. Bakit ba sila gagawa ng anak na tuturuan lang nila umasa sa pinaghihirapan ng ibang tao? Ngunit andiyan sila para turuan tayong mga Kristiano ng awa (hardest lesson yet).

7. Do you keep grudges, or can you let them go easily?
- let go, kasi nao-overwrite ng Bio stuff ang hitlist ko palagi

SLOTH.

1. What is one thing you're supposed to do daily that you haven't?
- devotionals

2. What is the latest you've ever woken up?
- gabi na nun eh

3. Name a person you've been meaning to contact, but haven't?
- si XY

4. What is the last lame excuse you made? ansakit ng ulo ko. 
- "...wala po kasing tubig sa gripo, kaya akin na lang itong Gatorade..."

5. Have you ever watched an infomercial all the way through?
- yes

6. When was the last time you got in a good workout?
- We don't workout. We strive to reduce the spread of entropy as much as possible for the future generations while ensuring that they exist and be able to develop better ways to counter entropy.

7. How many times did you hit the snooze button on your alarm clock today?
- 0

GLUTTONY.

1. What is your overpriced yuppie beverage of choice?
- softdrinks

2. Meat eaters: white meat or dark meat?
- doesn't matter to my stomach

3. What is the greatest amount of alcohol you've had in one sitting/outing/event?
- Hmm, based sa computations ko:
|
*a. Before ang semi-experimental drinking event ko ay nag-3day (accidental) fasting ako, thus may increased susceptibility to alcohol intoxication ako. Furthermore, thrice a year lang ako talaga nakakaingest ng alcohol in any form, thus ang lower estimate ng alcohol intoxication resistance ang gagamitin ko para sa computations ko.
|
*b. Naputol personal recording ko ng events (memory lapse), so likely naka-25 (at least) % BAC ako. In short, stupor.
|
*c. Approximately 64 kgs. ako, so about 9 drinks ako in which 1 drink has 15 mL. Thus naka-135 mL ako ng pure alcohol.
|
*d. Vodka ang primary drink noong event na iyon. Likely ang vodkang ginamit ay the Bar, mga 70 proof, or 35% ABV. Thus halos 386 mL ng the Bar vodka, slightly above 1/3 ng typical na bote nito, ang nainom ko.
|
*e. Ang shots ay may unknown composition though, pero given ang computations ko, ang 386 mL ng the Bar vodka or anumang equivalent niyon ay sapat na.
|
*f. However, ang first drink ay nagstart approximately 10 pm, at ang huling drink (barring ang mga nainom ko under retrograde amnesia) approximately 12 pm. 120 minutes, or 3 40-minute intervals ang nakalipas kung saan theoretically nabawasan ako ng 0.01 BAC per 40-minute interval, or 0.03 BAC total. Ang 0.03 BAC na iyon ay equivalent sa isang extra drink, or 15 mL, or 150 mL pure alcohol, or 420 mL ng the Bar vodka or equivalent ang nainom ko.
|
*g. On estimate, ang maximum amount ng alcohol na possibly nainom ko for the same effects (stupor) ay 40% BAC, corresponding to an additional 4 shots, with an extra shot dahil sa duration ng event, thus 210 mL, or 600 mL ng the Bar vodka.
|
*h. Nais kong magpaumanhin sa mga naapektuhan ko sa event na iyon in any way. Hindi talaga ko balak subukin ang katawan ko sa ganoong paraan at sa ganoong lugar, nang kasama kayo. Salamat din sa mga tumulong sa akin noong event.
|
Therefore
, between 150 and 210 mL 140-proof, equivalent sa 420 to 600 mL ng the Bar vodka, or 2100 to 3000 mL ng Red Horse beer (2-3 Grandes), ang nainom ko at most. Approximately.

4. Have you ever used a professional diet company?
- no

5. Do you have an issue with your weight?
- no

6. Do you prefer sweets, salty foods, or spicy foods?
- sweet, syempre!

7. Have you ever looked at a small house pet or child and thought "lunch"?
- er, oo

LUST.

1. How many people have you seen naked (not counting movies/family):
- 0

2. How many people have seen YOU naked (not counting physicians/family):
- 0, unless Big Brother is watching

3. Have you ever caught yourself staring at the chest/crotch of a member of the opposite gender during a normal conversation?
- accidentally, kasi lagi akong nakayuko pag nagiisip kaya tumatapat ang chest nila (wala pa akong nakitang ganoon katangkad) sa view ko

4. Have you "done it"?
- not likely?

5. What is your favorite body part on a person of your gender of choice?
- the whole

6. Have you ever been propositioned by a prostitute?
- no

7. Have you ever had to get tested for an STD or pregnancy?
- no

GREED.

1. How many credit cards do you own?
- 0

2. What's your guilty pleasure store?
- antiques and oddities shops, which thankfully are rare

3. If you had $10 million, what would you do with it?
- invest

4. Would you rather be rich, or famous?
- famous. Fame leaves a legacy, money only leaves you.

5. Would you accept a boring job if it meant you would make megabucks?
- yes

6. Have you ever stolen anything?
- your heart, dear

7. How many MP3s are on your hard drive?
- approximately 4000, excluding portable hard drive. Kung kasama yun, siguro 10000.

PRIDE.

1. What's one thing you have done that you're most proud of?
- I can't

2. What's one thing have you done that your parents are most proud of?
- likely makapasok sa UP

3. What things would you like to accomplish in your life?
- madami eh

4. Do you get annoyed by coming in second place?
- nah. Achievement, not obsession.

5. Have you ever entered a contest of skill, knowing you were of much higher skill than all the other competitors?
- DotA kalaban kuya ko. Mwehehehehe.

6. Have you ever cheated on something to get a higher score?
- sa mga numerical internet surveys, para mas mataas comedy score ng results

7. What did you do today that you're proud of?
- wala, kasi 2 hours within the day pa lang ako ngayon

ENVY.

1. What item (or person) of your friends would you most want to have for your own?
- knowledge

2. Who would you want to go on "Trading Spaces" with?
- di ko sure kung ano iyon eh

3. If you could be anyone else in the world, who would you be?
- kung buhay, yung IMF/WB boss para ma-cancel utang ng Pilipinas. Kung patay, si Antonio Luna para ipaalis iyang mga Amerikanong mananakop ng Pilipinas

4. Have you ever been cheated on?
- no idea

5. Have you ever wished you had a physical feature different from your own?
- lagi kong gusto ng auxiliary gills, at electroplax

6. What inborn trait do you see in others that you wish you had for yourself?
- pagiging mapamaraan

7. Do you wish you'd come up with this survey?
- nah

Finally, what is your favorite deadly sin?
- gluttony, malamang



[ GENERAL ]
Body or Face? - both
Looks or Personality? - both.
Height? - sufficient, normal
Weight? - slightly underweight-normal
Hair Color? - variable
Eye Color? - ultraviolet!
Most Important Physical Feature? - better than me

[ GOOD or BAD TRAITS ]
Funny? - good
Loud? - good-ish
Seductive? - good
Quiet? - good-ish
Tall? - good
Short? - good
Athletic? - good
Fat? - bad
Immature? - good
Competitive? - bad
Hyper? - good
Smoker? - bad
Drinker? - bad
Smart? - good
Dumb? - bad
Observant? - good



It's that survey again
Rules: IT'S HARDER THAN IT LOOKS

USE THE 1ST LETTER OF YOUR NAME TO ANSWER EACH OF THE FOLLOWING QUESTIONS.

THEY HAVE TO BE REAL PLACES, NAMES, THINGS, NOTHING MADE UP! (TRY TO USE DIFFERENT ANSWERS IF THE PERSON IN FRONT OF YOU HAD THE SAME 1ST INITIAL.)YOU CAN'T USE YOUR NAME FOR THE BOY/GIRL NAME QUESTION.

1. What is your name: Mario

2. A 4 letter word : many
3. A Boys Name: Martel
4. A Girls Name: Michelle
5. An Occupation: master
6. Color: maroon
7. Something you wear: monocle (pangarap ko yun!)
8. A Beverage: milk
9. A Food: marzipan
10. Something found in the bathroom: mirror
11. A place: Maynila
12. A Reason for being late: "Ma'am, binangungot ako!"
13. Something you shout: Musta?
14. A singer: Madonna