Monday, January 10, 2011

Ukol sa Tamang Pag-aaral

Ang 1st LE ay para ma-assess ang stock knowledge,so di dapat inaaral yan.

Ang 2nd LE ay para malaman yung taste ng prof sa pagpa-LE, so di sineseryoso ang aral diyan.

Ang 3rd LE ay countercheck ng data mula sa second exam, so di din dapat sineseryoso ang aral diyan.

Ang 4th, 5th, at 6th LE ay para makuha ang graph ng pag-aaral vs. effect nito sa grade, assuming quadratic iyon (ganun sa akin). Dagdagan ng datapoints (and thus exams) kung mukhang sa higher polynomial function ang graph. Wag pa rin seryosohin ang pag-aaral kasi baka masira ng outlier scores ang graph.

Ang 7th LE (or more, depende sa dami ng datapoints na kinailangan), ay para malaman kung nagbabago ang taste ng prof sa pagpaexam habang lumilipas ang panahon. Kung anong aral sa 2nd or 3rd exam ay iyon din ang gawin sa 7th exam.

Ang 8th LE ay countercheck ng data mula sa 4th, 5th, at 6th LE, kaya para rin hindi masira ang graph di inaaral iyan.

Ang 9th LE di na rin inaaral kasi hopeless na. Wala nang pag-asa. GG na. Suko na.

6 comments:

Anonymous said...

In short, don't study. :P

s. kweegee said...

http://i.imgur.com/dnh0E.jpg

wattehhale bakit naman aabot sa 9th LE

s. kweegee said...

grades shouldn't define you as a person

M., III, Pan said...

di naman ate pola..study the grading system for maximum grade-acquisition efficiency

Kenneth Artillera said...

9th LE ay next sem na. or removals..

or removals next sem T__T

M., III, Pan said...

takte ka