Thursday, January 13, 2011

Ka-PC-han

- bakit ganoon?
- halos lahat ng topics na maisip ko meron sa wikipedia except sa bio?
- ang scientific journals na pinakakailangan mo ay iyon pa ang hindi nabili ng pamantasan ng agham, o kaya ay nasa paaralan ng ekonomiya kahit na alam mong bio major ka?
- walang tuwid na sagot sa katanungan mo na nakukuha mula sa scientific journals?
- walang tuwid na tanong sa mga presentation mo, na derived naman mula sa scientific journals?
- mas madali magbasa ng Cracked.com kaysa sa textbook?
- mas madali magbasa ng textbook kaysa sa ebook?
- kaya mo i-stalk ang prof mo ukol sa degrees niya, papers niya, favorite beach camera poses niya, pero hindi mo pa rin alam kung gaano talaga ka-hirap siya magpaexam?
- kung may kinakailangan kang i-research ukol sa organism, yung tumutumbad sa Google ay laging yung mga website na nagbebenta ng organism na iyon?
- rare ang laptop na immediately compatible sa LCD projector?
- rare ang laptop na gumagana pag may LCD projector?
- laging information overload of marginally useful stuff ang scientific journals?
- scaled ang grade-acquisition difficulty sa grade-acquisition technology such as that walang advantage talaga bumili ng educational gadgets?
- scaled ang grade-acquisition technology sa money-acquisition success such as that mas yumayaman ang bumibili ng educational gadgets without respect sa grades?

O bakit?

No comments: