Sunday, May 23, 2010

Galing!

Naiplurk ko na ito kanina, pero uulitin ko na lang.


Naligtas ng ina ko ang emo notebook ko!!!1!! Ito yung notebook kung saan nagsusulat ako ng emo poems sa likod nung 2nd year hs ako.

Which is very, very weird, kasi naalala ko ang emo poems ko ay pinunit ko mula sa notebook ko at binigay ko sa some literary org sa pisay (na kanila namang inalipusta and all).

Na weirder still kasi makalipas ng Intentional Weirdness Upgrade ko (3rd year 2nd-3rd quarter hs), alam ko wala na forever ang any trace of emoness ko.

Even weirder pa ay ito ay mula pa sa 2nd year hs ko. Kasi nagsimula na lang ako magtago ng halos lahat ng acad stuff ko mula 3rd year hs (kasi ayaw ko itapon ang mga Ramayana posters ninyo).

Thus ang notebook na ito ay isang artifact mula sa panahon noong ako ay someone else na nakalimutan ko na ever since. Ang notebook na ito ay isang relic na pwede ko i-decipher para malaman ko kung ano ang iniisip ko, kinikilos ko bago ako maging tuluyang ganap na ganito.

Hopefully pag makuha ko na ang train of thought ng mga sinaunang Trex ay kaya ko na magrevert sa dating version kuno, na kahit sa alaala,
sa kilos at pag-iisip at gawa ay ako'y muling bumata,
bumalik sa oras at panahon kung saan tayu-tayo ay magkakasama,
at di tayo magsasawa,
sa isipan ng isa't-isa,
kahit ito'y sa utak mo wala na,
pero sa akin mananatili pa rin nga,
hanggang sa huli umaasa
kahit na ito'y nagwakas pa
kahit na ito'y di man naganap,
pwera lang sa aking pangarap
sa tulog na masarap
ligayang i-iglap.
Parang kagabi sa isang inuman,
Di mo alam ang nangyari, kung sino ka man
Saanman sa Daan…
pa-Kapahamakan. Ahahahaha.

4 comments:

s. kweegee said...

conyo mo trex :D btw gj on finding your emo notebook yays

M., III, Pan said...

buti bumalik ka na sa dating kanlungan Kim. salamat din!

nabibiyak na ang pananagalog ko ah. di ito maaari!

Adrian Tolentino said...

haha..:) ikaw na ang poet..:)

M., III, Pan said...

dati lang, hindi na ngayon