Pero habang tinitignan-tignan ko ang mga kanta sa music folder ko, nalaman ko na may taga-ibang bansa sa music folder ko. At di ko maintindihan ilan sa mga kinakanta nila. Anlabo lang. So ito ang aking List of Non-Filipino, American, or UK Musicians In My Main Music Folder, by country. Kasi sadyang madami akong oras.
P. S. Tao ako. Nagkakamali din ako. At ang pagkasalungguhit ng pangalan ng musikano ay nagpapakita ng porsiyento na taga-doon ang mga mang-aawit
Australia
* May koala bear, may kangaroo, may astig na opera house at higanteng bato at malawak na disyerto. At sabi nila baliktad daw ang flush ng mga inidoro doon, kaya sinu-suno sa kanila ang nasa k iii?
- AC/DC, isang ubersikat na bandang rakista na, katulad ng ibang banda, ay may 'interchangeable parts', kaya hindi purong Aussie ang band, pero Avstralia based pa rin ang band mismo, so Australian ang band. Naitatag at sumikat noong 70's
(Born To Be Wild)
- isa sa dalawang main members ng Air Supply, na nagdodominate sa mga gabi sa radyo. Buong buhay ko sila at mga labsung na lang tuwing gabi, umaga, hapon...at di pa rin nagsasawa ang mga tao sa kanila! Awa naman, 70's pa sila!
(All Out of Love, Lost in Love, Making Love out of Nothing at All, atbp.)
Canada
* Yung malaking bansa sa taas ng Estados Unidos, na may
- Alanis Morissette, gifted singer, napakasikat, dating anorexic, at laging naririnig magmula nang 90's hanggang ngayon
(Ironic, You Oughtta Know, Hands Clean, atbp.)
- All Saints, dahil kalhati lang sa quartet ang Canadian, the rest UK. Di ko sigurado kung bakit ako may kanta nila...ah tama, kasi ni-revive nila ang Lady Marmalade noong 90's.
(Lady Marmalade)
- Anne Murray, isa sa mga pinakaunang Canadian singers na sumikat (70's) sa labas ng bansa nila, isa sa mga pinakagustong singers ng kuya ko rin.
(You Needed Me)
- Avril Lavigne, sumikat noong halos kaedad ko siya noong early 2000's, ngayon sikat pa rin. Andaya ng tadhana, ano?
(Complicated, Girlfriend, Sk8er Boi, atbp.)
Denmark
*Isa sa mga Scandinavian na bansa, except ito ay lagi kong nakakalimutan. Sikat dahil sa Aqua, at dahil sa nagsisimula sa "D" ang pangalan ng bansang ito kung sakali tinatanong sa mga pautakan.
- Aqua, dahil ang female vocalist nila ay Norwegian. Ang isa sa mga pinakatanyag na mga mangangawit noong 90's, dahil sobrang cute ng mga kanta nila, nagsplit sila kasi iisa lang ang babae sa kanila kaya nagkaroon ng love triangle sa mga miyembro ng banda; walang pakialam ang ikaapat na kasapi sa pag-ibig, katulad ko.
(Barbie Girl, Dr. Jones, Turn Back Time, atbp.)
Ireland
* Exports: Pots of gold, leprechauns, clovers, boy bands, terrorists (formerly)
- Ash, isang banda noong 90's-2000's. Sinama ko yung isang kanta nila kasi ito'y nakakaalis ng suya sa ibang mga kanta
(Shining Light)
Netherlands
* May malaking airport, legalized cannabis, tanyag na red light district. At tagadoon pala si Van Gogh.
- Alice Deejay, sumikat noong late 90's dahil sa isang techno nilang kanta na lagi kong naririnig sa mga bertdey party.
(Better Off Alone)
Norway
* Isa sa mga Scandinavian na bansa (like Sweden at Finland). Sikat sa kanila ay.....something? *checks internet* Sila yung gumawa ng Opera na web browser, tapos sila din nagpasikat ng black metal music (2nd wave). Pero wala naman akong black metal songs, so sinu-sinong Norwegian ang nasa music folder ko?
- isa sa mga kasapi ng A1, na sumikat noong 90's bilang boy band
(Like A Rose)
- a-ha, na dapat daw lowercase ang mga titik, na isa sa mga pinakaastig na mga bandang hindi gaanong sumikat dahil sa kakulangan ng atensyon ng MTV noong 80's. Ngayon ay considered one-hit wonder, at naaalala na lang dahil sa kantang 'Take on Me'; yung instrumental intro nito ang laging naririnig tuwing Myx Backtrax sa Myx.
(Take on Me, The Living Daylights, The Sun Always Shines on TV, atbp.)
- Aqua, dahil ang female vocalist nila ay Norwegian. [See "Aqua" under Denmark]
- Bambee, full name niya mahaba talaga eh, as in 'Desirée Sparre-Enger'. Naaalala ninyo pa ba yung DDR, yung Dance Dance Revolution dati sa Playstation noong nilalaro pa natin ito noong 90's? Siya yung kumanta ng isa sa mga kanta doon, yung 'Bumble Bee'.
(Bumble Bee)
Poland
* Doon galing ang dating Santo Papang John Paul II, may mahahabang mga apelyido sila in general, at recently lang ay may naganap na trahedya noong bumagsak ang eroplanong dala ang top officials nito. Paborito din paglaruan ng mga bansa malapit sa kanya, namely Alemanya at Unyon Sovyet.
- Basia. May isa akong gustong kanta, pero ang version niya lang ang available sa Limewire. Kaya kinuha ko na rin.
(Waters of March)
Senegal
* African na bansa, dating French colony, at, uh, nangunguna sa gasoline bunkers.
- Akon, pero kalhati lang, kasi half-Senegalese half-Kano siya. Mangangawit ng 2000's. Hobby niya ang krimen, at pagmina ng diamante sa kanyang sariling diamond mine.
(Smack That)
Sweden
* Isa ding random Scandinavian na bansa na nakikilala dahil sa supercar company na Koenigsegg, na di ko talaga sure ang tamang spelling, at sa ABBA. The ABBA
- ABBA, obviously...kahit di niyo sila kilala most likely may alam kayong 70's na kanta nila kasi talamak sila sa majority ng electromagnetic mediums, kasing talamak ng graft sa gobyerno natin.
(Dancing Queen, Fernando, Thank You For the Music, atbp.)
- A Teens, 90's tribute band sa ABBA at isa sa mga pinakaunang mangaawit na narinig ko.
(Bouncing Off the Ceiling)
- Ace of Base, 90's na band na naaalala dahil sa "Ace of Vase" level ng Plants vs. Zombies, at dahil na rin kasi tumatak na sa kabataan ko ang mga kanta nila.
(I Saw the Sign, All That She Wants, It's A Beautiful Life, atbp.)
AND APPARENTLY, TINAMAD NA AKONG TAPUSIN ITO, SO YUN, ROUGH DRAFT.
____
Ay, ngapala, ang mga nakaparenthesis na kanta yung mga nasa k iii folder lang mismo
1 comment:
note: di pa tapos, at likely di matatapos ever
Post a Comment