Thursday, November 5, 2009

Gruesome

Rating:★★★★★
Category:Video Games
Genre: Adventure
Console:PC Games
Dahil sa hirap ng panahon, kailangan ko makahanap ng paraan para tipirin ito para may extra study time ako. Pero somehow napakalaking drain sa happiness resource (HR) ko ang pag-aaral (at proportional ang HR ko sa interest ko sa pag-aaral, so kailangan ko ng mataas na bilang ng HR para makapagaral nang maayos), at ang isa sa mga pinakatime-saving na paraaan para makapagregenerate ako ng HR ay via videogames.

Pero may problema sa setup na iyan, malamang, kasi di tumataas grades ko.

Madami na akong sinubukan na paraan para sa happiness conversion. Sinubukan ko na mag:

1) Palitan ang videogames ko ng Hearts of Iron.
- Ang problema dito, kung nasa giyera na ang bansa mo di ka na makafocus sa pagaaral.

2) E kung NWN o ibang games?
- nakakaadik sila eh, so lugi sa oras

3) E kung di ako natulog? Para may oras sa parehong bagay?
- kaya ka nga nakakatulog sa math eh

4) E kung inalis ko social life ko for the same reason as above?
- e baka may sabihin silang important academic stuff eh

5) E kung inalis ko lovelife ko for the same reason din as above?
- wala pala akong lovelife.

6) E kung subukan mo magregen ng HR dahil sa pag-aaral?
- eew.

So ito ang problema ko. At ang Gruesome ay kabilang sa mga inaasahan kong solusyon. Pero ano nga ba ang Gruesome ?

Simple lang, isa itong freeware na pwede kunin sa internet dito . Maliit lang siya, 58,776 bytes. Di niya kailangan ng speakers, di niya kailangan ng supervideocardzz, di niya kailangan ng color screen. Basta may command prompt ka, yung sa Windows na MS-DOS, pwede na itong laruin. Parang ADOM.

Basta, roguelike ang subgenre nito, mga larong pwede laruin sa Command Prompt, kung saan isa kang "@" for adventurer, tapos dumidikit ka sa mga "b", o "k", basta kalaban mo ay mga ASCII characters na nagrerepresent sa mga tipikal na kalaban sa mga adventure games. Kunwari, ang "k" ay isang kobold, ganun.

Pero sa Gruesome, iba. Hindi ka adventurer na humanoid, kundi ikaw ang grue na takot sa ilaw na kumakain ng adventurers. At dahil black ang background ng MS-DOS, ikaw ang " ". Ang adventurer ay syempre "@", at ang ilaw nila ay puting " ". Ang goal ay kainin mo ang adventurer. Simple lang, di ba? Tapos may maliit na list ng mga spells, syempre walang FROTZ, basta laruin nyo fun sya.

At ang maganda dito, di siya nakakaadik. Kung patay na ang grue mo game over na. As in sariling magteterminate ang application tuwing game over na, di tulad ng mga laro ngayon. Kung kailangan mo na pumasok, di mo na kailangan makipagaway ng konsensya mo dahil ang laro na mismo ang tataboy sa iyo. At syempre may binibigay pa rin siyang HR, at libre, at di kailangan ng advanced hardware (pwede mo laruin sa pinakamalpit na comshop unless puros mga Commodore mga PC nila doon). Ganun siya kasimple, ganun kaganda, na ako mismo wala nang maisusuggest na improvement para sa larong ito. At makakaaral na rin ako. Yeah!

Fig 1: Ito ang interface, ang main na screen ng Gruesome. Ang mga puti/gray na "." ay sahig, kung white ang background ay may light na kung tumama sa iyo patay ka, ang mga "#" ay dingding, ang "@" ang prey mo. Ikaw ay ang nagbblink na underline (sa shot na iyan ikaw yung black square.)

8 comments:

Kenneth Artillera said...

laro ba?

http://essencero.com

go.

M., III, Pan said...

kelangan ba nyan ng net connection?

Ste Lanuza said...

this. :))

Kenneth Artillera said...

pwedeng hindi. tititig ka nga lang habambuhay sa login page.

M., III, Pan said...

how..lovely.

oy kenthe, mag-math club tayo. lagi silang nagca-cards dun eh.

M., III, Pan said...

sorry ha, laging ako ang huling nakakaalam sa updates. ignorant bliss stuff.

Kyla Salamanca said...

WEW. Tagal na akong di naglalaro nyan :|

M., III, Pan said...

ako, never.