Kasi tinatamad ako mag-aral.
As in sa halip na magenrol kaninang umaga, natulog na lang ako, at sa hapon na nagsimula magenrol.
As in sa halip na magmalling with barkada, nagkukulong lang ako sa kwarto, tulog, kasi tinatamad ako magkabarkada, o lumabas ng kwarto.
As in sa halip na maginternet, dahil sobrang tinatamad ako pumunta sa wi-fi hotspot 5 meters away sa kama ko, natututulog lang ako.
At nalaman ko na kung bakit ang tamad ko mag-aral.
Kasi di ako ginaganahan mag-aral.
At sa pamamagitan ng di-sinasadyang self-psychoanalysis, nalaman ko na kung bakit di ako ginaganahan magaral.
Hindi dahil sa laro.
Hindi dahil sa aking kama at ang malupit kong unan.
Hindi dahil sa pag-ibig.
Hindi dahil sa subjects ko.
Ang katamaran ko ay dahil sa isang boses. Sa tingin ko kay Jopet ito, pero pwede rin na kay Lappay o kay Dan.
Siloa ang mga roommate ko noong first year. Masipag ako dati mag-aral, pero sadyang mahina lang ako sa sets nung Math 1. Kaya bagsakin ako noon.
May nagsabi "Grabe Trex, ikaw ang pinaka-nagaaral sa atin, tapos ikaw pa ang may pinakamababang grade."
Ouch.
Magmula noon, tinignan ko kung ano ang epekto sa grado ko kung hindi ako nag-aral. Pumapasa, bumabagsak, ok lang lahat; nakagraduate naman akong Pisay di ba?
Pero mababa ang grado ko ngayon. Inaasahan ko ito kasi di ako nagaaral masyado.
Kaso nga lang mapipilitan ako magbago. Dahil sa inyo.
Oo, kayo, mga kabatch ko sa Pisay. Bakit kayo nagpababa ng grado?
May sinabi sa akin ang ina ko na trend sa atin: na sa 2nd year bababa mga grado natin.
Mayabang ako. Weirdo ako. Basta, iba ako dahil alam ko walang gusto maging katulad ko.
At iniingatan ko ang identity ko ng pagiging di-katulatularan.
At ang pagbaba ng grado ko ay katulad nang sa iyo. Ang pagtulad sa inyo ay magpapamukha sa akin na tinutularan o gumagaya. At hindi pagiingat sa katangian kong pagiging katangi-tangi iyon.
Kaya, dahil bumaba ang grado ninyo, nabulabog ang pagkatao ko. Kailangan ko magbago, ulit, matapos ko akalain na sigurado na akong maging bum sa mundo ng mga taong nagsusumikap.
Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit kayo nagpakatamad? Wala man akong kinalaman sa pagiging tamad ninyo, pero isipin ninyo ang bayan na nagbababayad para sa pagaaral ninyo, ang magulang ninyo na nagsusumikap palakihin kayo nang may maipapasikat, ang lipunan na nangangailangan ng mga manggagamot, inhinyero, mga matatalinong katulad ninyo na inaasahan nilang handa magpaunlad sa buhay nila. Wala ba kayong awa? Wala ba kayong puso?
Pero di ko kayo sinisisi. Nakakatamad nga naman ang sem na ito.
Kaya dahil dito, susubukan ko magbago. Ulit. Magaayos ng grado. Magaaral. Di tatamarin. Para maiba. Para maging counterbalance ninyo. Mahirap, pero ito ang tungkulin ko bilang Trex, ang pagkatao ko bilang ang kabaliktaran ninyo. Kaya dapat di na ako tatamarin. At dahil alam ko na kung bakit ako tinamad (Jopet....), alam ko na kung paano ito kontrahin.
Gusto ko ng
14 comments:
awwww.. wawa ka naman trex.. i sympathize..
wow.. naintindihan ko completely ung blog mo!! congrats sakin!
buti pa ikaw, alam mo na ang naging dahilan ng katamaran mo..
ako, hindi pa rin..
HAHAHA. LIKE. :)) tama yan, ibalance mo kami trex, sorry naman ang hirap talaga ng sem na to. nakakaasar.
Tinamaan ako dun. >_< Wah.
Di ko naman sinasadyang bumaba grado ko. Dark age lang talaga para sa akin ang sem na to due to lots of reasons :(
Sa 2nd sem di na ganito.
Tuwing magpapakatamad ako, aalalahanin ko tong blog mo para sipagin ako.
@emoishgurl: talk about pain, talagang ouch yun. hopefully titino na ako, kahit na iilan sa mga kabatch ko titino din. para sa balansya ito
@janellius: oo nga no, bakit walang "Like" button multiply? ok lang iyan, mahirap ang mga susunod na sems. dapat.
@sitawkagirl: sorry natamaan ka..masakit ba? sige, tuwing tatamarin ako, tatandaan ko na lang na may sinisipag dahil sa blogpost na ito, at nakakahiya naman sa kanya. at syempre, dahil dapat iba ako. wow illogical reasoning.
Di ka nga dapat magsorry e. Haha. Kasi mas naenlighten ako na dapat na akong magseryoso for real. :) Thanks.
you're welcome. pray di tayo tamarin ngayon. or ever again.
Di ako tatamarin. Dahil nakita ko na grades ko ngayong 1st sem. :I
sana ako din. hindi. dapat ako din.
mabuhay ang mga nagbabagong buhay!!! yeah.. \m/
haaay
@ wabeberdhing: bakit?
@ emo: yung magbabagong buhay na magiging emo parang di rin mabububuhay eh. useless lang. haha.
kaya nga magbabagong buhay eh.. hindi na mageemo.. :p
aww, yun ang bahagi ng funstuff eh.
ang galing, madami ang gusto magbago for the better. so for counterbalance....
Post a Comment