Monday, August 17, 2009

tulog

antok ako, gusto ko matulog, ngunit hindi pwede kasi tila nasa dulo na ako ng pagdurusa, na pag maintindihan ko kung paano kakalabanin ng maayos ang tulog, sulit ang pagpupuyat para dito.

bakit ba ako mangangailangan magpuyat? para pumasa sa kolehiyo. bakit ko kailangan pumasa ng kolehiyo? para pilitin magMedisina. e kung nakapagtapos ako ano gagawin ko? magtrabaho para kumita. at anong gagawin ko sa pera? iiinvest ko sa north korean stock exchange. bakit? para kumita lalo ng pera. at para saan ang pera? para pambili ng cool stuff. pero teka....


"I had [Mazda] miatas for 18 years. but then I suffered from too much money and had to get a Jaguar XK8. The Jag and the stock market have cured me of having too much money. The Jag is a brillant non-knetic sculpture. I spent more on repairs on it in 18 months than on the miatas in 18 years. And the miata is much more fun to drive! Who needs a back seat and an automatic in a convertible sports car?" Source


kelangan ba talaga ang pera? kelangan ba talaga ang magagagarang bahay at magagandang kotse? kelangan ba maging sikat? hindi di ba? sa huli ang perang pinagpuyatan mo ay ipangtutustos mo din sa gamot para mapagaling ka sa mga sakit na dulot ng pagpupuyat mo.

kaya nga duktor eh. kasi ang daming taong hayok sa pera sa mundong ito na willing silang bilhin ang iilang oras ng buhay nila para kumita lalo ng pera.

eh ikaw rin naman pagod di ba? eh ikaw rin naman nagkakasakit di ba? porke duktor ka di nun ibig sabihin na di ka na magbababayad para sa gamot. porke may-ari ka ng pharma di nun ibig sabihin na gagamitin mo ang gamot na sana'y ibinenta mo, para may kwarta.

walang kwenta. walang kaligayahan; naghahabol ng saya na hindi makamit-kamit, nagtratrabaho hanggang umaga para sa mga laruang miminsan lang magamit.

buti na lang tayo'y mga nananaginip lamang sa isang bangungot kung saan tayo'y tila nahihirapan gumising.

kailan ako lalaya?

17 comments:

Kenneth Artillera said...

sa anino ng pag-iisa

mga rehas lang ang tanaw

nanginginig sa seldaaaaang.. maginaw ='(

--

edi. academe! o wag ka na mag-aral. period.

hya magat said...

all you need is love. XD daw.

hya magat said...

anong mabuti dun

M., III, Pan said...

panaginip lang kayo

M., III, Pan said...

kenthe, gustuhin ko man, ayaw ng magulang ko

Kenneth Artillera said...

awww. edi.. all you need is love na nga lang talaga. lolcakes.

M., III, Pan said...

love what? anong iibigin ko, pagdurusa at hinanakit?

hya magat said...

mabuti ba yun?

M., III, Pan said...

hmm....pag gumising ako baka mas maganda kalagayan ninyo sa totoong mundo

hya magat said...

may totoong mundo?

marielle doong said...

kalalim mo namang magisip.

M., III, Pan said...

kung meron, nasaan ka ngayon?

M., III, Pan said...

napuyat lang

hya magat said...

nawawala?

M., III, Pan said...

maganda iyan

marielle doong said...

delikado ka pala mapuyat.haha.

M., III, Pan said...

hindi ah. gumagaling lang sa ibang subject (na hindi ko tinake kaya walang kwenta).