Monday, August 24, 2009

dahil unpoetic ang facebook

o aking diploma
nasaan ka na
anong pagkakasala ko nung hayskul
at pinagpalit mo ako kay raul
akala mo hindi ko alam
e yun yung sabi ni ma'am
si ate registrar ang nagsabi sa akin
may galit ka ba sa akin kinikimkim?
tila kawal na pinagbabawal
tila kawali sa hiraya manawari
tila balbal na sinupalpal
wala na ang aking diploma, di ito maaari!

tinutuloy....

isinayang mo ang aking pera
pinangkain ko na lang sana
pamasahe, sayang lang
tuloy barya sa umaga nagkulang

isinayang mo ang aking oras
sa oras na iyon nasakop ko na sana ang Madras
sa oras na iyon nakatahi na sana ako ng medyas
sa oras na iyon nakagawa na ako ng bagong alyas
pero ginugol ko nang nakatunganga sa pisay, alas!

di na feel na doon ako nag-aral dati
wala na kasi ang mga kaklase
wala na kasi ang laptop ng Brandon
nag-aral nga ba ako noon?

a, ewan, basta
nakasakay ko si april kanina
at si gerard at beila
ngunit padayon pa lang sila
ako pa-dorm na
at diploma ko wala pa

kaya naglaro lang ako buong hapon
nag-aral din siguro, tapos nagutom
sabog schedule ko kanina
kasi wala akong scratch paper;
yung diploma sana

papel na eroplano
sa papel na barko
at papel na puso
ay papel na pauso
papel na tuso

hangal na diploma
papel na traidora
pinambalot ko na sana
ng sariwang isda

at kasi ang tula ay ang haba
at walang patutunguhan tila
masasasabi ko lang, ang saya kanina
si sir Nat nagpaBacolod pala
at may pasalubong pa
tawag yata dun ay 'napoleona'
at nagpaquiz sa Cs, haha!

dahil may exhibit sa SM Bacolod
'promoting science & technology' daw
at siguro nanakit ang kanyang tuhod
si sir nat nasa booth for anim na araw
at mag-isa siya kasi wala nang pera
na magpadala ng kahit isa pa
na guro galing sa pisay
o di ba, ang taray!

pero mabait, may kakanin ako
ngunit bitin, pero masarap pa rin
at tig-10 ang takal ng kanin sa caf
at walang misong mukhang barf
at pwede na ako mag-rap
pero smooth ako, diba masarap
magbiro ng zea mays, ang ewan
corny joke, crisron mode, ipagdiwang

at tinatamad lang ako mag-aral
kaya ako gumawa ng tula
kahit na ito'y walang kwenta
kasi wala pa ang aking diploma.
at pinagpala pa rin ako kanina.
pero ito'y sa akin lang
di ko na ikukuwento
pagkat ang haba na ng tulang ito
at gutom na talaga ako.

at cute ang kuting
nasa berdeng hardin
baka ako'y kalmutin
ewan, jas kidding.

ngayon tinatapos ko ang aking tula
na hanggang ngayon di ko pa nasisimula
puros intro lang pala ito
kasi ang tagal ng diploma ko
at gutom na ako
at magandang araw ito.

3 comments:

M., III, Pan said...

funtaverde, ang haba!
di ko ito sinasadya
na-carried away lang yata
ang sakit sa mata

kakatamad basahin ulit
sarili'y di mapilit-pilit
walang kwentang tula
magMafia Wars na nga muna

Hani Ho said...

trex, galing. pramis. san napunta diploma mo?

M., III, Pan said...

ewan. nakay Raul na