NagCWTS Mil Sci ako. may klase kahapon.
May rappelling. So nagrappel ako pababa.
May practical exam. Belaying. So nasa taas ako, binababa ng belayer. Dapat hindi ko hinahawakan ang lubid at inaasa ang aking buhay sa belayer, na siyang magbababa sa akin katulad ng pagbababa ng boyscout ng watawat, except ako ang watawat.
Tapos nagkaroon ng minor problem sa taas, so umakyat ang instructor para kalikutin ang lubid kaunti. Nang maayos na niya, sigaw niya sa belayer ko "Release". Kaya katulad ng totoong boy scout, sumunod ang belayer ko at binitiwan ang lubid.
Napansin ko na ang ganda naman ng acceleration nito, except hindi ako nakasakay sa kotse eh. Tapos napansin kong ang bilis na ng paggalaw ng kahoy. Tapos sa isip ko nagmonologue ako:
"Tila nahuhuhulog ako."
"Yep, nahuhuhulog na nga ako."
"Saan na ba ang lubid na iyan?"
"Wait, practicals ito. Kung hinawakan ko ang lubid baka bumagsak ako."
"Pero pag hindi ko hinawakan ang lubid, babagsak din ako, literally."
"Oo nga ano.."
To fall, or not to fall? Ano kaya ang gagawin ng dakilang Trex? *dun dun dun*
Itutuloy...now na.
"Saan ba ako maglalanding? Sa gulong naman eh, malambot siguro."
"Malambot ba yun? Eh steel belt bias yun eh. Pantrak na ewan."
"Ano ba pwede mangyari kung tumama ako sa ground, since sa kakaisip ko di ko na mahanap ang lubid na iyan?"
"Mabalian ng likod."
"Ma-die!"
"Madumihan ang t-shirt ko. Paano ako uuwi niyan?"
"Oo nga ano!"
"Hindi niyan ako makaka-midterms sa Chem."
"Ehdi kung nag-crash ako, excused niyan ako sa midterms sa Chem mamaya. Sakto. YEAY!, hahahaha.."
"Ongano. Waw kewl."
"So it's decided then. Let's fall, in lab, bahala na."
~~~
Tapos nagkaroon ng slightly MASSIVe deceleration, as in from Y to 0 m/s in X seconds. Pero wala akong nararamdaman na Goodyear na nakasalampak sa likod ko.
"Korni."
So, in the spirit of showmanship, humarap ako sa mga kaklase ko habang nakalambitin, ngumiti habang naka-thumbs up, at bumaba na.
Ang nakuha ko? 85/100.
Sa Chem midterms? FaiL!
Sabay sabi nila baka hindi i-credit ang CWTS ko dahil hindi siya Bio na CWTS. Daya!
Saturday, August 29, 2009
Monday, August 24, 2009
dahil unpoetic ang facebook
o aking diploma
nasaan ka na
anong pagkakasala ko nung hayskul
at pinagpalit mo ako kay raul
akala mo hindi ko alam
e yun yung sabi ni ma'am
si ate registrar ang nagsabi sa akin
may galit ka ba sa akin kinikimkim?
tila kawal na pinagbabawal
tila kawali sa hiraya manawari
tila balbal na sinupalpal
wala na ang aking diploma, di ito maaari!
tinutuloy....
isinayang mo ang aking pera
pinangkain ko na lang sana
pamasahe, sayang lang
tuloy barya sa umaga nagkulang
isinayang mo ang aking oras
sa oras na iyon nasakop ko na sana ang Madras
sa oras na iyon nakatahi na sana ako ng medyas
sa oras na iyon nakagawa na ako ng bagong alyas
pero ginugol ko nang nakatunganga sa pisay, alas!
di na feel na doon ako nag-aral dati
wala na kasi ang mga kaklase
wala na kasi ang laptop ng Brandon
nag-aral nga ba ako noon?
a, ewan, basta
nakasakay ko si april kanina
at si gerard at beila
ngunit padayon pa lang sila
ako pa-dorm na
at diploma ko wala pa
kaya naglaro lang ako buong hapon
nag-aral din siguro, tapos nagutom
sabog schedule ko kanina
kasi wala akong scratch paper;
yung diploma sana
papel na eroplano
sa papel na barko
at papel na puso
ay papel na pauso
papel na tuso
hangal na diploma
papel na traidora
pinambalot ko na sana
ng sariwang isda
at kasi ang tula ay ang haba
at walang patutunguhan tila
masasasabi ko lang, ang saya kanina
si sir Nat nagpaBacolod pala
at may pasalubong pa
tawag yata dun ay 'napoleona'
at nagpaquiz sa Cs, haha!
dahil may exhibit sa SM Bacolod
'promoting science & technology' daw
at siguro nanakit ang kanyang tuhod
si sir nat nasa booth for anim na araw
at mag-isa siya kasi wala nang pera
na magpadala ng kahit isa pa
na guro galing sa pisay
o di ba, ang taray!
pero mabait, may kakanin ako
ngunit bitin, pero masarap pa rin
at tig-10 ang takal ng kanin sa caf
at walang misong mukhang barf
at pwede na ako mag-rap
pero smooth ako, diba masarap
magbiro ng zea mays, ang ewan
corny joke, crisron mode, ipagdiwang
at tinatamad lang ako mag-aral
kaya ako gumawa ng tula
kahit na ito'y walang kwenta
kasi wala pa ang aking diploma.
at pinagpala pa rin ako kanina.
pero ito'y sa akin lang
di ko na ikukuwento
pagkat ang haba na ng tulang ito
at gutom na talaga ako.
at cute ang kuting
nasa berdeng hardin
baka ako'y kalmutin
ewan, jas kidding.
ngayon tinatapos ko ang aking tula
na hanggang ngayon di ko pa nasisimula
puros intro lang pala ito
kasi ang tagal ng diploma ko
at gutom na ako
at magandang araw ito.

Saturday, August 22, 2009
alaala
bakit ba pag tumitingin ako sa pics ng pisay, mga klase and stuff, parang ansaya bumalik. bakit parang ang saya bumalik sa high school. wala naman akong pakialam masyado nung elementary (yata), tinutulugan ko kinder at prep ko.
asar. kasi naaalala ko dati nung high scool ako namimiss ko ang elementary. ngayon di ko na ito [yung elementary days ko] maalala..
tuloy incapacitated ako gumawa ng takehome exam sa chem. what fun, ang pumipigil sa pagenjoy ko sa present ay ang past.
meron pa palang magapa-emo sa akin. pero ok lang. fun mag-emo, strangely.

Monday, August 17, 2009
tulog
antok ako, gusto ko matulog, ngunit hindi pwede kasi tila nasa dulo na ako ng pagdurusa, na pag maintindihan ko kung paano kakalabanin ng maayos ang tulog, sulit ang pagpupuyat para dito.
bakit ba ako mangangailangan magpuyat? para pumasa sa kolehiyo. bakit ko kailangan pumasa ng kolehiyo? para pilitin magMedisina. e kung nakapagtapos ako ano gagawin ko? magtrabaho para kumita. at anong gagawin ko sa pera? iiinvest ko sa north korean stock exchange. bakit? para kumita lalo ng pera. at para saan ang pera? para pambili ng cool stuff. pero teka....
"I had [Mazda] miatas for 18 years. but then I suffered from too much money and had to get a Jaguar XK8. The Jag and the stock market have cured me of having too much money. The Jag is a brillant non-knetic sculpture. I spent more on repairs on it in 18 months than on the miatas in 18 years. And the miata is much more fun to drive! Who needs a back seat and an automatic in a convertible sports car?" Source
kelangan ba talaga ang pera? kelangan ba talaga ang magagagarang bahay at magagandang kotse? kelangan ba maging sikat? hindi di ba? sa huli ang perang pinagpuyatan mo ay ipangtutustos mo din sa gamot para mapagaling ka sa mga sakit na dulot ng pagpupuyat mo.
kaya nga duktor eh. kasi ang daming taong hayok sa pera sa mundong ito na willing silang bilhin ang iilang oras ng buhay nila para kumita lalo ng pera.
eh ikaw rin naman pagod di ba? eh ikaw rin naman nagkakasakit di ba? porke duktor ka di nun ibig sabihin na di ka na magbababayad para sa gamot. porke may-ari ka ng pharma di nun ibig sabihin na gagamitin mo ang gamot na sana'y ibinenta mo, para may kwarta.
walang kwenta. walang kaligayahan; naghahabol ng saya na hindi makamit-kamit, nagtratrabaho hanggang umaga para sa mga laruang miminsan lang magamit.
buti na lang tayo'y mga nananaginip lamang sa isang bangungot kung saan tayo'y tila nahihirapan gumising.
kailan ako lalaya?

Thursday, August 13, 2009
Le Cirque
| Rating: | ★★★★ |
| Category: | Restaurants |
| Cuisine: | French |
| Location: | USA |
But as we all know, I have not yet gone there. So who am I to make a review of its food?
I am a blogger in a country with freedom of expression, that's why, so that means I can say anything anytime except when I can't, like say, when I am barely breathing after being chased by government hitmen.
So where were we? Ah, yes, the review. Now we all know that the money that could have been used to improve the general lives of our peoples is now sitting in an overpriced foodshop, having been used to purchase overrated sea insects which a century earlier is fed to common criminals. And the best rotten grapes our president has traded in exchange for a nicer name by the time she is supposed to leave. Just think, one more year and she is willing to sacrifice her name, her last few remaining shreds of dignity for rotten grapes.
And to think that her group is still defending their decision to eat in such a store while I myself had nothing to eat! (Actually, it's because my siesta is a tad bit too long, but that's not the point.)
Now if we listen to those reds however, we may find a rather slippery slope of losing our culture, our civilization, our national identity as we know it. If they get what they want, all earth will have to be farmland to feed the masses which are too numerous for this planet to sufficiently feed. Also, when they decide to use that dreaded katsudon , they will massacre a third of earth by the worst death of all: boredom. That means that culinary arts will give way to mass-production of food with all its drawbacks of being environmentally unsustainable and totally unpalatable.
Now art, ars gratia artis, old Tom and Jerry shows always have proclaimed. Art for art's sake. Art, the good things that happen when the human mind transcends this physical world, taking a few chunks of the time-space and forming it into something worth having been made. Art should not be limited by anything, not even by the need to feed the masses. And that includes culinary art.
However, most forms of art are unsustainable. The beauty of bombed Manila is one. The human face, an artwork indeed, ages and changes into something which may not be considered art. The reason why fine arts always need government support is that all those painting can only be traded around without actually being disposable. Art can't be disposed, unlike food or cars or slaves. That's why demand is so low, because supply manages to be both high and low.
Now the culinary arts, that is different. Do you encase your birthday cake in a glass case? Of course not. That is the beauty of the culinary arts. Unlike the Spolarium or Burning Glass on Poop # 4, chocolate spaghetti straps are edible whether you like it or really like it. And when you don't, well, you don't have a choice because it will decay quickly anyway. That means that culinary arts can't be kept in a dusty, musky museum, so to have culinary arts is to eat the creation, make another, sell, and eat. It's sustainable art while at the same time feeding the curator.
Since I know that I have taken too much of your time drawling about anything other that the restaurant, let me end this quickly. To take sea bugs and rotten grapes and find them to still be edible, good. For finding out that they can be sold for so so much more than they can conceivably be, and being able to maintain the illusion that lobster is a luxury food, wine a luxury drink, that is genius and skill. For elating them edibles into art, they have become part of what makes a Filipino a Filipino: a purveyor-craftsman of fine dishes wherever and whenever. And for being a non-Filipino and still managing to hook the leader of the Filipinos into spending my stipends on food, amazing. Happy, Maccioni?
Even shorter, Le Cirque has made art, sustainable art, out of protofood, for the sake of it in the spirit of progressing global culture, and managed to make the president eat it in exchange for her delicadeza as well as a few hundred thousand pesos, thus saving the world from communists, environmental degradation, ennui, and the katsudon. Now that is good. Its only problem? I wasn't part of the entourage.
Saturday, August 1, 2009
Oi
Oi...may bagong pananamplataya na ako on education...
"Hindi nadadaan sa oras ang pag-aaral. Kailangan isadibdib, isapuso, isabudhi, isawan, iwasan ito..."
Corollary: "Laro muna tayo. Yeah!"
and on college:
"Miminsan lang maging bata..ang pera ay kinikita, ang pagkabata nawawala."
Corollary: "Laro muna tayo bago tayo magsawa (at magasawa?). Yeah!"

Subscribe to:
Comments (Atom)