Thursday, May 24, 2012

Jaszestroi

Isang araw, may taong nanonood ng TV.

Lipat channel, lipat channel. Ang haba haba haba haba haba kasi ng commercial breaks ng GMA7 kaya siya palipat-lipat sa GMA, ABS-CBN, ABC 5, atbp.

Habang lumilipat siya ng channel, ang kasama niya sa bahay ay dumaan sa pinagdadaanan ng laser beam ng remote control, at biglang naglipat ng "channel" ang kasama niya sa bahay, biglang naging Mulawin ang kasama niya sa bahay.

Dahil sa pagkabigla, hindi nakapalag ang tao nang biglang hinablot ng naging-Mulawin niyang kasama sa bahay ang mahiwagang remote control, at pinindot ang channel sa ABS-CBN. Ang kanyang target ay biglang naging Kokey, tapos yung Mulawin ay umalis na.

Yung Kokey naman ay naghanap sa isang aparador ng extrang remote, tapos pinagbabaril [with matching recoil] ang Mulawin ng remote control bleble. Ang Mulawin ay biglang naging Celebrity VJ ng MYX, na siya namang nakareflect ng tira ng Kokey sa kanyang shades.

Dahil doon, ang Kokey ay natamaan ng sarili niyang tira, at naging mananabong sa Sabong TV ng Studio 23. Yung mananabong [na dating Kokey na dating si Tao 1] ay binaril ng remote control si Celebrity VJ, na siyang naging tandang naman sa Sabong TV. Daliang kinalaykay ang nahulog na remote control, ang tandang ay nabaril ang mananabong ng remote control, na siyang naglipat ng channel niya patungo sa lalaking najejebs sa mga diarrhea commercials.

Dahil sa sakit ng pagpipigil ng jebs, nilipat niya ang sarili niya, at naging Jollibee naman siya. Ang tandang ay hindi makakapalag syempre, kaya tinira niya ulit si Jollibee ng mahiwagang remote control, na siya namang naging si Kabayang Noli de Castro.

Napuna ng tandang na siya ay may problema, kaya pumunta siya sa harap ng remote control niya at tinuka ang "7". Biglaan siyang naging si Mike Enriquez, daliang tinumba ang kalapit na lamesa, at nag-gunfight laban kay Kabayan gamit ng kani-kanilang mga remote control.

Tapos yun na ang ending ng music video. Yehey. Ngayon kailangan ko na lang ng kantang babagay doon.

3 comments:

Kenneth Artillera said...

Wala - Eraserheads

wala nang.... sabon
wala nang sabon

M., III, Pan said...

ehhh....di action-y eh

Pierre Felsen said...

LOL