I listen to the radio/
Kanina medyo nababato ako habang pinipilit ko mag-aral ng 122 lab. Pfft. Open videogame, close. Next videogame, close. Tingin Facebook, wala namang gagawin dun, close. Tingin sa aaralin, close. Parang...bleh lang ng araw na ito, yung mga tipong Sunday afternoons kung saan noon buong high school ko naka-bum lang ako sa dorm nakikinig ng radyo.
Tama, makinig kaya ako ng radyo. Mga kantang dekada nubenta sa aking tainga. Torpedo ng Eraserheads. LoveRadio-format commercial. Tuwing Umuulan at Kapiling Ka ng Eraserheads. Maniwala Ka Sana ng PNE. Senti ng Yano. Kay Sarap, pero hindi The Boss yung kumanta. Natutuwa naman ako.
Kakaiba, ano? Kahit na halos lahat ng pinapatugtog sa radyo tuwing Linggo ng hapon nai-download ko na, kahit na karamihan ng pinapatugtog nila gabi-gabi nasa laptop ko na, kahit na ang buong discography na ang i-torrent ko, medyo iba pa rin ang radyo de hamak. Ibang-iba ang radyo talaga.
Tunay, pagpasok sa klase Kylie Minogue discography pinapakinggan ko, paglaro ng DotA mga early 2000's RnB at mga current 'party music' pinapakinggan ko, sa pag-aaral nakaloop lahat ng kanta ko. Pero iba eh, iba dapat ang mga pinapakinggan sa mga ganitong oras. Tipong hindi ala-Love Radio na chopsuey mula dekada sisenta hanggang 010's. Puro lang, purong nineties. Katulad ng pinapakinggan ko magmula kabataan. Katulad ng, er, Love Radio din, pero sa Linggo lang nang hapon. At minsan talaga, kahit gaano idiin ang ibang mga kanta ng ibang kapanahunan 50's o 70's o 2k's, kahit ibang genre ng New Wave o Techno o Grunge, iba pa rin ang OPM ng kabataan natin.
Oo, mas magaling man Beatles, mas nakakagising man Aerosmith, mas tumatatak man sa isip ang China Crisis, lahat na kumpara sa OPM ng dekada nubenta, iba pa rin ang 90's. Iyon ang panahon ng kabataan natin, iyon ay...kumbaga atin din, minsan sa buhay natin. Para siyang teks, o Chinese garter, o siguro Playstation para sa ating mga mas mapalad na kaedad. Para siyang yung bahay na kinalakihan natin, o siguro kinalakihang bayan para sa mga nagmigrate na. Parang patikim ng kabataan ang mga kantang ito, at ang dating ng pakikinig nito mula sa radyo ay iba pa rin talaga kaysa pa pagbukas nito sa Winamp.
Alas-sais na ng hapon. Sayang ang radio soundtrip na ito ay matatapos sa loob ng isang oras. Salamat, salamat radyo.
Sayang lang din na sa loob ng ilang taon mapapakinggan ko na lang ang 90's OPM sa Linggo ng umaga, naka-chopsuey kasama ng Beatles, Bee Gees, walang-kamatayang Air Supply, at siguro Spice Girls at David Guetta at 2NE1 at Sam Milby at Cueshe.
Kung iisipin, may makikinig pa kaya sa mga kanta ng panahon natin kapag 2050 na? Heh, may nakakakilala ba sa atin kung sino si Celeste Legaspi, na kumanta ng Tuliro, o The Inkspots, na sikat na sikat noong 40's? Magugustuhan kaya ng mga apo natin ang mga kanta natin? Kanta ng mga lolo at lola natin?
20 comments:
TRUE.
--
Pure 90's - Magic 89.9; Saturday 3-10 pm (ish)
Pure 90's OPM - Jam 88.3; Saturday 6am - 6 pm
--
*slow clap*
ang galing ng post na to.
And I think, meron pa ring iilang mga bata/bata-borgs/borgs sa 2050 na makaka-appreciate sa 90's music. Tulad na lang nitong mga pre-internet lads (i.e. tayo) na hanggang ngayon e nakikinig sa Beatles (Quarrymen pa nga minsan), Engelbert Humperdinck, etc. etc.
thanks, hanggang sagap na lang kasi ako, tsambahan. at least ngayon may sched na tayo
sila ang mga pinakasikat noong panahon nila. pero isipin mo na lang, may nakikinig ba sa Lettermen, Monkees, Mills Brothers, Doors, Who, atbp? Nakakalungkot nga, minsan, na baka ang mga pinakatanyag na lang ang maaalala nila at makakalimutan na ang iba. Kapag sinabing 1990's, baka alam lang nila Eraserheads, Spice Girls, Backstreet Boys. At ang alam lang nilang kanta na hindi sa kanila ay Smells Like Teen Spirit at Macarena.
lol laging merong movie/commercial at RADIO! na patuloy na magpapatugtog ng iilang mga "rare tracks" or "uncommon artists" kahit paisa-isa, tulad ng nangyayari ngayon. at wag kalimutan..
ANG INTERNETSSSSS! (so iupload mo na yang collection mo at gawing torrent para madownload ng mga bata-borgs in the future)
RJ 100. Three [obscure] songs in a row...
Sa bagay, ngayong may internet na maaalala ng mga batang borgs ang kinatutuwaan ng kanilang mga taong lolo't lola. Tapos pagtatawanan nila...
LOL RJ "Playing the latest songs" daw (or something) tapos biglang Bob Dylan (not complaining though).
"The latest, and the greatest [emphasis on greatest]."
Tapos latest nila siguro mga dekada nubenta pa.
80's, 90's, early 2000's Rx 93.1 on Wednesdays, Magic 89.9 on Saturdays (basta after 12nn, mga 1-ish ata? until mga 12), 99.5 RT on Saturdays :D
thank youuuu.....ba't wala ka sa ringhop?
Di pa kasi tapos sem ko super gahol sa oras to finish requirements. Sino-sino from our batch kayong andun? o:
...ako. Lang.
So yun, somehow may new found friends na ako sa kiddoes.
ay, ngapala, enjoy summer!
Haha good for you :D
Salamat! Sa wednesday p summer ko... or next week. di pa tapos sem eh -_____-
Congraaaaaaaaaats :D
maingggit kaaaaa..........ang sarap matulog hanggang alas-nueve ng umaga oyeah!
Dati pa ako naiinggit =)))
ok. be inspired na kung kaya namin ma-ginhawa nang ganito, kaya mo din!
[pero kami may 5 years of medicine pa, so bale better off ka, yeah]
idolatry na yan. bakit ka nagbibigay pugay sa radyo? bakit ka sa radyo naghahanap ng kasiyahan? gawa lang ng tao ang radyo... ang pagpupugay sa radyo ay walang pinag-kaiba sa pagsamba ng mga sinaunang tao sa mga diyos-diyosan na gawa ng kanilang mga kamay. Bakit ba ang hilig mo sa wordly songs? Hindi naman masama making ng mga makamundong kanta, pero BABAD ka na diyan eh. Kung saan ka nakababad, yung ang lalabas sayo kapag piniga ka. Manghihina ka niyan spiritually kung nakababad ka sa mga makamundong bagay. Bakit hindi ka magbabad in prayer nang mawala iyang kaduwagan mo. Trex, it is not enough to acknowledge your cowardice before God. If you seriously want to be powerful and effective in fulfilling your call in His army, get rid of that idolatry.
Natry ko na iyang ginagawa mo. Sana matauhan ka rin at marealize mo na you are making the god of this world your idol by buying into his advertisements of the false kind of love. Parang ang layo ng konek sa secular music noh? OA ba? Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Pansinin mo yang mga tugtog na yan...it’s all about love. God is love and so is the god of this world, he is love. THE DEVIL WANTS PEOPLE TO BELIEVE IN A FLEETING KIND OF ROMANTIC LOVE. BUT AGAPE IS CHRIST’S ROMANTIC LOVE FOR HIS BRIDE. GOD IS ETERNAL, LOVE IS. THERE IS NO SUCH THING AS FALLING IN AND OUT OF LOVE, GOD DID NOT CREATE THAT, IT’S A BIG LIE THAT DESTROYS ENTIRE HUMANITY – IT DESTROYS INDIVIDUALS, IT DESTROYS RELATIONSHIPS, IT DESTROYS FAMILIES AND NATIONS. GOD WANTS US TO SEEK HIS LOVE AND LEARN HIS LOVE. EROS IS VAINLY TRYING TO GLORIFY HIMSELF THROUGH SUCH SECULAR LOVE SONGS, MGA PARTY MUSIC LALO, BAKIT MO SINASAYANG ANG ORAS MO SA PAGDOWNLOAD NG MGA IYAN? DON’Y LET YOURSELF BE SEDUCED BY THIS GOD, IT COULD START WITH LITTLE COMPROMISES THAT SEEM HARMLESS, I AM WARNING YOU, I’VE BEEN THERE. IT FEELS ‘OKAY’ KUNG NAKATENGGA KA LANG, BUT ONCE YOU BEGIN FIGHTING FOR GOD, DOON NA MAGMAMANIFEST YANG MGA HIDDEN SPIRITS NA DALA NG MGA KANTA NA IYAN, KAPAG NA-IDENTIFY AT KINALABAN MO NA SILA.
Post a Comment