Monday, July 25, 2011

sona dich tree

1. sinong nanood ng sona? 2/3

2. kung oo, natuwa ka ba? 4/5
3. kung hindi, bakit? 6

4. kung oo, bakit? 7
5. kung hindi, bakit? 8

6. ____________________
7. ____________________
8. ____________________

Alam nyo, para sa mga hindi natutuwa sa SONA kanina, hindi nagtalumpati ang pangulo kanina para paligayahin kayo, kasi hindi kayo mahalaga sa kanyang katayuan. Kayo, ang lahat ng inyong gawain, bunga, daing, hinaing, hininga, at anu-ano pa ay iniipon lamang ng pamahalaan na parang newsfeed lang para sa kanya. Trabaho lang niya iyan, hindi buhay niya. Hindi siya, at hindi niya pinangako, maging martir ng bayan, lalung-lalo na pag hindi siya talaga ginusto ng karamihan. Kaya nga tayo naghalalan, para malaman kung sino ang gusto ng madla. Totoo, kulang at kulang-kulang ang pagpipilian, ngunit bilang ganito ang konstitutyon natin...

Ah, ngunit hindi na dapat ako naglalathala ukol sa mga ganitong bagay. Hindi pa rin nagbabago ang mga tao. Tama lang.

16 comments:

Pierre Felsen said...

Nakakapikon ang SONA kanina. Wala talagang substance, puro lang sweet nothings. :|

Parang usual speech lang ni Noynoy. Parang pamamalakad niya lang sa bansa. Waley.

josiah lim said...

Badtrip na badtrip ka kay PNoy talaga no oshu?

Pierre Felsen said...

&^(&*#& Oshu ka diyan.

s. kweegee said...

amen

M., III, Pan said...

yun naman talaga trabaho ng pangulo eh.

Ikaw naman, alam mo na siya ang figurehead, pero tayo, tayong mga masa, ang talagang namamalakad sa bansang ito. Walang ibang may kasalanan kundi tayo lamang, Pnoy included, pero di solo ng pangulo ang sala.

Pierre Felsen said...

Dude, kung ganun nga lang sana. Kung tayo sana ang may hawak ng 20% ng kita ng bawat Pilipinong kung tawagin ay tax, at tayo rin ang may sabi kung saan ba talaga ang patutunguhan nun.

Ang pangulo, namumununo. Di figurehead lang.

M., III, Pan said...

di solo ni Pnoy ang buwis. hawak din natin ang bahagi ng buwis na iyan, na ating tinutustos sa pag-aaral kasi pinili natin mag-UP, friend.

ang pangulo ay mas mainam na figurehead, kasi personally ayaw ko talagang mamuno si Pnoy. baka lumala lalo ang kalagayan ng bansa based sa basa ko sa isipan niya.

M., III, Pan said...

sorry kung emosyonal lang ako. hindi pa quite tempered ng rationality ng hard sciences ang hilig ko para sa mga humanidades

Pierre Felsen said...

Yun nga eh. Kasi pa-elect-elect pa siya eh di niya naman kayang mamuno.

M., III, Pan said...

compared sa ibang choices?

pagbigyan mo na, isip-bata lang

Pierre Felsen said...

Walang masyadong choices actually, pero I dare say na mas gumagalaw yung iba kumpara sa kanya.

Eh sa buong stay niya sa Senado eh ilan lang ba nagawa niyang bill?

M., III, Pan said...

mas madami pa yatang naipasa si pacquiao...eawn.

true, hindi lalago ang bansa. di nga lang papangit lalo. yung next likely-to-win choice ay...ibebenta lang bansa natin eh.

bakit kasi di magabante ng kandidato ang mga tibak?

Pierre Felsen said...

Dahil isho-shoot down as commie?

M., III, Pan said...

pesky anti-commie laws, ba't di na lang legal ang CPP?

kristine olisa said...

mukhang dichotomous key yung survey questions... na-ID ko ang sarili ko bilang species no.6

M., III, Pan said...

so...bakit ka po di natuwa sa SONA?