Kanina nanaginip ako nang kakaiba. Ganito panaginip ko:
Sa panaginip ko tulog ako. Hindi na kita ko sarili ko, pero alam ko na tulog ako. As in alam ko na nakapikit ang mata ko at nakahiga sa kama; as in parang matutulog pa lang. Pero alam kong panaginip yun kasi may napakaINGAY na sound akong naririnig, as in parang may nagtapat ng Kurt Cobain sa tenga ko. Na nakamicrophone. Na nakakonekta sa sandaang speakers. As in ganoon kaingay na sumakit talaga ulo ko like never before, dahil sa ingay na panaginip.
Worse, narealize ko na stuck ako sa katawan kong di magising-gising at di makabangon, at di pa rin maalis-alis ang ingay na iyan na kaysakit sa ulo.
Weirdly, ito ang unang panaginip ko na auditory, as in hindi siya typical na visual na panaginip. At wala akong mahanap sa internet na ganitong case, ng paralyzing auditory dream. Or ng auditory dream, o ingay dream, for that matter.
Parang ayaw ko tuloy matulog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
nagkaroon ako ng halos ganyang panaginip mga 2-3 times.
weird man!
yes. madalas mangayari sakin yan dati.
kaso yung naririnig ko, yung kinakanta sa early morning show (sa unang hirit, unang-una ka..).
tulog ang katawan. gising ang diwa.
as in tunog lang walang galaw?
haha. weird kasi ito ang unang beses (yata) na may sort of sleep paralysis ako.
at na wala namang magpapatugtog nang ganyan sa tenga ko di ba? so ako lang ang nakakarinig, ako lang gumagawa ng mga tunog na iyan.
baka nira-rape ka ng succubus.. na kaboses ni kurt cobain.
hey have google translate this to english. nakatatawa! ^^ oh and yeah, silent dreams sa mga susunod na dreams.
yung tulog ako tapos nananaginip akong tulog ako pero alam kong nananaginip ako kaya pipilitin kong gisingin yung sarili ko tapos babangon ako pero sa panaginip lang at marerealize kong tulog pa rin ako kaya babangon ako ng paulit-ulit pero sa panaginip pa rin at hindi talaga ako magising.
what?
haha, oo nga ano.
ba't mo naisipan yun?
headtrip ate, pero gets ko.
haha ang sama! di niya naman kasing ingay yung group ng rude geeks dun sa nismed caf eh. naalala mo ba yun lol
ah, the sila
hello silence my old friend
by talking i'd break you again
Post a Comment