Saturday, September 18, 2010

Radyo

Hello radio my old friend
enjoy the Sunday po, kay Jackie, on Home Radio
sapagkat Variety Hits Sunday na
at andami nang mga kantang kailangan ko nang i-download
salamat sa radyong pinapakinggan ko
at ang mga hits nito
sapagkat nakakasawa din ang 2,414 songs in loop after 13.7 hours
dagdagan ko pa kaya ng mga 50+ pag makapunta ako sa McDo katips ulit
kasi bawal magdownload ng kanta sa Dilnet

or, pwede na lang ako magradyo di ba?

Monday, September 6, 2010

Noisy Dream

Kanina nanaginip ako nang kakaiba. Ganito panaginip ko:

Sa panaginip ko tulog ako. Hindi na kita ko sarili ko, pero alam ko na tulog ako. As in alam ko na nakapikit ang mata ko at nakahiga sa kama; as in parang matutulog pa lang. Pero alam kong panaginip yun kasi may napakaINGAY na sound akong naririnig, as in parang may nagtapat ng Kurt Cobain sa tenga ko. Na nakamicrophone. Na nakakonekta sa sandaang speakers. As in ganoon kaingay na sumakit talaga ulo ko like never before, dahil sa ingay na panaginip.

Worse, narealize ko na stuck ako sa katawan kong di magising-gising at di makabangon, at di pa rin maalis-alis ang ingay na iyan na kaysakit sa ulo.

Weirdly, ito ang unang panaginip ko na auditory, as in hindi siya typical na visual na panaginip. At wala akong mahanap sa internet na ganitong case, ng paralyzing auditory dream. Or ng auditory dream, o ingay dream, for that matter.

Parang ayaw ko tuloy matulog.