Monday, April 5, 2010

Failure

Na naman.

Sanay na akong bumagsak nung hayskul. Sa murang edad natutunan ko na ang ganda ng mga epekto ng mediokridad (mediocrity) at katamaran, ang halaga ng di-pagpeperpekto sa mga bagay-bagay dahil may mga mas importanteng bagay sa buhay na dapat pagtuunan nang pansin. Ika nga, kahit di uno, basta di sipa.

Pero grabe lang. Sabog talaga ang sem na ito, ngunit inaasahan ko na iyon. So nagtakda ako ng bagong goal para sa sem na ito. Saktong sakto lang naman dapat di ba?

Ngunit sa kasawiang-palad, di ko ito nakamit. Worse, ako ang lowest sa buong class/block ayon sa mga scorecards (yun ba tawag dun?) ng mga prof ko (except sa physics 71 recit; ako ang 2nd lowest sa class dahil may isang Sarah Estacio), pero fail pa rin.

Gaano ba kahirap abutin ang tres?

8 comments:

Hani Ho said...

oi mario pan, mahal ang matrikula. ilan bagsak mo? ako dalawa.

M., III, Pan said...

galing mo ho. yaman mo eh.

Kenneth Artillera said...

AMEN! AMEN! ALLELUJIA!

steff tamayo said...

Nakita mo lahat ng standings natin with respect to each other? =0

M., III, Pan said...

I....sense. As in yeah, nakita ko yung iba.

M., III, Pan said...

oh?

steff tamayo said...

Aww Trex >:D< next sem will be bawi sem for all of us!

M., III, Pan said...

bawi? aww