para may one month kayo na mai-acquire, by any means, ang hiling ko (kung bibigyan nyo ako, at siguraduhin nyo yun)...
1) dvd/cd/usb/diskettes/torrented/betamax/etc ng Top Gear UK (TV show, current format, all seasons.) Meron nyang torrent sa isohunt, pero slow masyado net dito para maidownload yun.
2) retrofitted light tank, full description tinext ko na kay ralaine
3) end-of-the-world toy
4) external hard drive
5) flak jacket
yun muna....
Tuesday, November 24, 2009
Thursday, November 5, 2009
Gruesome
| Rating: | ★★★★★ |
| Category: | Video Games |
| Genre: | Adventure |
| Console: | PC Games |
Pero may problema sa setup na iyan, malamang, kasi di tumataas grades ko.
Madami na akong sinubukan na paraan para sa happiness conversion. Sinubukan ko na mag:
1) Palitan ang videogames ko ng Hearts of Iron.
- Ang problema dito, kung nasa giyera na ang bansa mo di ka na makafocus sa pagaaral.
2) E kung NWN o ibang games?
- nakakaadik sila eh, so lugi sa oras
3) E kung di ako natulog? Para may oras sa parehong bagay?
- kaya ka nga nakakatulog sa math eh
4) E kung inalis ko social life ko for the same reason as above?
- e baka may sabihin silang important academic stuff eh
5) E kung inalis ko lovelife ko for the same reason din as above?
- wala pala akong lovelife.
6) E kung subukan mo magregen ng HR dahil sa pag-aaral?
- eew.
So ito ang problema ko. At ang Gruesome ay kabilang sa mga inaasahan kong solusyon. Pero ano nga ba ang Gruesome ?
Simple lang, isa itong freeware na pwede kunin sa internet dito . Maliit lang siya, 58,776 bytes. Di niya kailangan ng speakers, di niya kailangan ng supervideocardzz, di niya kailangan ng color screen. Basta may command prompt ka, yung sa Windows na MS-DOS, pwede na itong laruin. Parang ADOM.
Basta, roguelike ang subgenre nito, mga larong pwede laruin sa Command Prompt, kung saan isa kang "@" for adventurer, tapos dumidikit ka sa mga "b", o "k", basta kalaban mo ay mga ASCII characters na nagrerepresent sa mga tipikal na kalaban sa mga adventure games. Kunwari, ang "k" ay isang kobold, ganun.
Pero sa Gruesome, iba. Hindi ka adventurer na humanoid, kundi ikaw ang grue na takot sa ilaw na kumakain ng adventurers. At dahil black ang background ng MS-DOS, ikaw ang " ". Ang adventurer ay syempre "@", at ang ilaw nila ay puting " ". Ang goal ay kainin mo ang adventurer. Simple lang, di ba? Tapos may maliit na list ng mga spells, syempre walang FROTZ, basta laruin nyo fun sya.
At ang maganda dito, di siya nakakaadik. Kung patay na ang grue mo game over na. As in sariling magteterminate ang application tuwing game over na, di tulad ng mga laro ngayon. Kung kailangan mo na pumasok, di mo na kailangan makipagaway ng konsensya mo dahil ang laro na mismo ang tataboy sa iyo. At syempre may binibigay pa rin siyang HR, at libre, at di kailangan ng advanced hardware (pwede mo laruin sa pinakamalpit na comshop unless puros mga Commodore mga PC nila doon). Ganun siya kasimple, ganun kaganda, na ako mismo wala nang maisusuggest na improvement para sa larong ito. At makakaaral na rin ako. Yeah!
Fig 1: Ito ang interface, ang main na screen ng Gruesome. Ang mga puti/gray na "." ay sahig, kung white ang background ay may light na kung tumama sa iyo patay ka, ang mga "#" ay dingding, ang "@" ang prey mo. Ikaw ay ang nagbblink na underline (sa shot na iyan ikaw yung black square.)
Wednesday, November 4, 2009
2010
Alam ko na kung bakit ambaba ng grades ko.
Kasi tinatamad ako mag-aral.
As in sa halip na magenrol kaninang umaga, natulog na lang ako, at sa hapon na nagsimula magenrol.
As in sa halip na magmalling with barkada, nagkukulong lang ako sa kwarto, tulog, kasi tinatamad ako magkabarkada, o lumabas ng kwarto.
As in sa halip na maginternet, dahil sobrang tinatamad ako pumunta sa wi-fi hotspot 5 meters away sa kama ko, natututulog lang ako.
At nalaman ko na kung bakit ang tamad ko mag-aral.
Kasi di ako ginaganahan mag-aral.
At sa pamamagitan ng di-sinasadyang self-psychoanalysis, nalaman ko na kung bakit di ako ginaganahan magaral.
Hindi dahil sa laro.
Hindi dahil sa aking kama at ang malupit kong unan.
Hindi dahil sa pag-ibig.
Hindi dahil sa subjects ko.
Ang katamaran ko ay dahil sa isang boses. Sa tingin ko kay Jopet ito, pero pwede rin na kay Lappay o kay Dan.
Siloa ang mga roommate ko noong first year. Masipag ako dati mag-aral, pero sadyang mahina lang ako sa sets nung Math 1. Kaya bagsakin ako noon.
May nagsabi "Grabe Trex, ikaw ang pinaka-nagaaral sa atin, tapos ikaw pa ang may pinakamababang grade."
Ouch.
Magmula noon, tinignan ko kung ano ang epekto sa grado ko kung hindi ako nag-aral. Pumapasa, bumabagsak, ok lang lahat; nakagraduate naman akong Pisay di ba?
Pero mababa ang grado ko ngayon. Inaasahan ko ito kasi di ako nagaaral masyado.
Kaso nga lang mapipilitan ako magbago. Dahil sa inyo.
Oo, kayo, mga kabatch ko sa Pisay. Bakit kayo nagpababa ng grado?
May sinabi sa akin ang ina ko na trend sa atin: na sa 2nd year bababa mga grado natin.
Mayabang ako. Weirdo ako. Basta, iba ako dahil alam ko walang gusto maging katulad ko.
At iniingatan ko ang identity ko ng pagiging di-katulatularan.
At ang pagbaba ng grado ko ay katulad nang sa iyo. Ang pagtulad sa inyo ay magpapamukha sa akin na tinutularan o gumagaya. At hindi pagiingat sa katangian kong pagiging katangi-tangi iyon.
Kaya, dahil bumaba ang grado ninyo, nabulabog ang pagkatao ko. Kailangan ko magbago, ulit, matapos ko akalain na sigurado na akong maging bum sa mundo ng mga taong nagsusumikap.
Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit kayo nagpakatamad? Wala man akong kinalaman sa pagiging tamad ninyo, pero isipin ninyo ang bayan na nagbababayad para sa pagaaral ninyo, ang magulang ninyo na nagsusumikap palakihin kayo nang may maipapasikat, ang lipunan na nangangailangan ng mga manggagamot, inhinyero, mga matatalinong katulad ninyo na inaasahan nilang handa magpaunlad sa buhay nila. Wala ba kayong awa? Wala ba kayong puso?At patay na si Roderick Paulate? Ah, hindi pa pala. Whew. Anong klaseng mga tao kayo?
Pero di ko kayo sinisisi. Nakakatamad nga naman ang sem na ito.
Kaya dahil dito, susubukan ko magbago. Ulit. Magaayos ng grado. Magaaral. Di tatamarin. Para maiba. Para maging counterbalance ninyo. Mahirap, pero ito ang tungkulin ko bilang Trex, ang pagkatao ko bilang ang kabaliktaran ninyo. Kaya dapat di na ako tatamarin. At dahil alam ko na kung bakit ako tinamad (Jopet....), alam ko na kung paano ito kontrahin.
Gusto ko ngretrofitted light tank pagbababago. Kaya botohin nyo ako magtitino na ako. Bow.
Kasi tinatamad ako mag-aral.
As in sa halip na magenrol kaninang umaga, natulog na lang ako, at sa hapon na nagsimula magenrol.
As in sa halip na magmalling with barkada, nagkukulong lang ako sa kwarto, tulog, kasi tinatamad ako magkabarkada, o lumabas ng kwarto.
As in sa halip na maginternet, dahil sobrang tinatamad ako pumunta sa wi-fi hotspot 5 meters away sa kama ko, natututulog lang ako.
At nalaman ko na kung bakit ang tamad ko mag-aral.
Kasi di ako ginaganahan mag-aral.
At sa pamamagitan ng di-sinasadyang self-psychoanalysis, nalaman ko na kung bakit di ako ginaganahan magaral.
Hindi dahil sa laro.
Hindi dahil sa aking kama at ang malupit kong unan.
Hindi dahil sa pag-ibig.
Hindi dahil sa subjects ko.
Ang katamaran ko ay dahil sa isang boses. Sa tingin ko kay Jopet ito, pero pwede rin na kay Lappay o kay Dan.
Siloa ang mga roommate ko noong first year. Masipag ako dati mag-aral, pero sadyang mahina lang ako sa sets nung Math 1. Kaya bagsakin ako noon.
May nagsabi "Grabe Trex, ikaw ang pinaka-nagaaral sa atin, tapos ikaw pa ang may pinakamababang grade."
Ouch.
Magmula noon, tinignan ko kung ano ang epekto sa grado ko kung hindi ako nag-aral. Pumapasa, bumabagsak, ok lang lahat; nakagraduate naman akong Pisay di ba?
Pero mababa ang grado ko ngayon. Inaasahan ko ito kasi di ako nagaaral masyado.
Kaso nga lang mapipilitan ako magbago. Dahil sa inyo.
Oo, kayo, mga kabatch ko sa Pisay. Bakit kayo nagpababa ng grado?
May sinabi sa akin ang ina ko na trend sa atin: na sa 2nd year bababa mga grado natin.
Mayabang ako. Weirdo ako. Basta, iba ako dahil alam ko walang gusto maging katulad ko.
At iniingatan ko ang identity ko ng pagiging di-katulatularan.
At ang pagbaba ng grado ko ay katulad nang sa iyo. Ang pagtulad sa inyo ay magpapamukha sa akin na tinutularan o gumagaya. At hindi pagiingat sa katangian kong pagiging katangi-tangi iyon.
Kaya, dahil bumaba ang grado ninyo, nabulabog ang pagkatao ko. Kailangan ko magbago, ulit, matapos ko akalain na sigurado na akong maging bum sa mundo ng mga taong nagsusumikap.
Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit kayo nagpakatamad? Wala man akong kinalaman sa pagiging tamad ninyo, pero isipin ninyo ang bayan na nagbababayad para sa pagaaral ninyo, ang magulang ninyo na nagsusumikap palakihin kayo nang may maipapasikat, ang lipunan na nangangailangan ng mga manggagamot, inhinyero, mga matatalinong katulad ninyo na inaasahan nilang handa magpaunlad sa buhay nila. Wala ba kayong awa? Wala ba kayong puso?
Pero di ko kayo sinisisi. Nakakatamad nga naman ang sem na ito.
Kaya dahil dito, susubukan ko magbago. Ulit. Magaayos ng grado. Magaaral. Di tatamarin. Para maiba. Para maging counterbalance ninyo. Mahirap, pero ito ang tungkulin ko bilang Trex, ang pagkatao ko bilang ang kabaliktaran ninyo. Kaya dapat di na ako tatamarin. At dahil alam ko na kung bakit ako tinamad (Jopet....), alam ko na kung paano ito kontrahin.
Gusto ko ng
Subscribe to:
Comments (Atom)