Friday, September 4, 2009

Niera Jokes

Nalalasahan ko na ang hell week. Actually tapos na hell week, at di man lang ako naka-graded recitation sa Inferno ni Dante, so hell week pa rin dahil ibibigay na ang list ng "Recommended to Drop" sa Eng 12.

Sabay may Math na inaalipusta ako dahil sa carelessness, Chem na ewan, Bio LT ukol sa Latinized Life, at Philo na basta malabo.

Malabo, Philo? oO! As in nasa kalingkingan na ako ng utak't mata ko kakahanap sa sagot na theoretically nasa handout pero in reality ay somewhere sa Logicland, na siguro kasinghirap ng pagtatambay sa Antehell nang walang Off! lotion. So yun..'.'.'

At dahil tinetesting ko ang aking bagong brew ng instant coffee-&-Ovaltine drink ko, gising ako since 7 am. Hyper ako magmula 7 am. At ngayon ay 3 am na. As in tila nag-max boost socialization points ko kaya relatively madada ako sa 16th birthday ng ka-orgish ko kanina (na 2008 din ang student number. Bata, ano?) Kaya gising ako ngayong alas-tres ng umaga, blogging.

So if ever ako'y matuluyan nang mahulog bukas sa CWTS, sundan ang aking payo na sundan ang instructions sa mga sachet ng powdered drinks.

And kaya, bago mangyari itong pandaigdigang trahedya bukas sa Mil Sci ko, gagawan ko na ng jokes ang pinakalawang pinakawalang pinakabata sa mga 08 na madaling gawan ng jokes (Hirap ng "Monmon", may makakabunggo yata akong zealots sa "Monmon Jokes" eh, na ngayo'y nawawala at nakalimutan ko na.)

Niera Jokes

1) Bakit napagkakamalang emo si Niera?
- Baka sa mannieraisms lang nya.

2) Saan dumadaloy emo thoughts and stuff ni Niera?
- Sa kanyang nieral pathways

3) Assuming emo si Niera, paano siya magsusuicide?
- Tatalon siya sa Nieragra Falls.

4) Sad. So paano niyan?
- Dadalo na lang tayo sa funieral niya.

5) Ang labo naman ng life(& death) story niyang iyan. Pero cool.
- Syempre, nantritrip ang nierator eh.

itutuloy...

11 comments:

M., III, Pan said...

oh, wait, live ang links na iyan. lahat ng links na iyan.

niera dizon said...

waaaah!!! trex!! well, nagpapasalamat ako sa mga jokes mo sa panagalan ko... pero bakit puro emo???? T.T dapat ang jokes masasaya..

M., III, Pan said...

bakit emo? bagay sa iyo eh. besides, ang joke, kahit emo ang pinanggalingan, joke pa rin na masaya. lalo na pag yung emolyte ang pinagtatawanan

niera dizon said...

nooo... nasad ako.. pinasad ako ng jokes mo...

M., III, Pan said...

bakit naman? este paano?

niera dizon said...

kc nga emo ung jokes..

M., III, Pan said...

eh? joke pa rin

niera dizon said...

hay nako.. cge.. nevermind.. haha.. d naman ako dapat nagrereklamo eh.. :D

M., III, Pan said...

tama. kasi emo lang ang nagrereklamo sa mga jokes ukol sa emo. (actually, mga overly concerned citizens din, pero dahil sobrang zealous nila na siguraduhing walang maooffend ay wala silang paki sa jokes, kasi laging may matatamaan sa jokes)

niera dizon said...

ahh.. ok.. so shushut up na lang ako..

M., III, Pan said...

Not necessarily.