Wednesday, September 23, 2009

Buffet Ministry (Buffet Bente)

Rating:★★★★
Category:Restaurants
Cuisine: Other
Location:CRL compound sa UPD, sa ikalawang palapag ng gusali sa kanan ng simbahan mismo. Itanong mo na lang sa Guardia
Isipin mo itong araw na ito, umuulan, tapos nakabike ka na mabigat na flat na umiikot ang upuan at may braking distance na katulad nang sa RMS Titanic. Di ka nagdala ng payong kasi mabigat. Umiikot ang quantification "therefore, malabo ang Philo 11" sa isip mo, may report ka bukas sa Chem 26 na di mo alam gagawin mo, at may RDR pa pala. Tapos binubulabog ka ng iyong konsensya na mag-aral para sa Bio (for fun daw), at may hardbound "Compact Edition" ka ng All of Shakespeare's Works kahit na isang maikling tula lang kailangan mo, na kailangan mo dalhin every other day. Tapos lagpas utak mo na ang Math.

Sinasakop ng mga komunista ang bayan mo, kinukurakot ng kapitalista kaban mo, inaakit ng mga imperyalista mga kaibigan mo. Inuubos ng pag-aaral mo ang nalalabing mga araw ng kabataan mo. At mabagal pa ang internet connection..

Anumang gawin mo, lahat magiging init. Heat death, ika nga, dahil sa ikalawang batas ng termodynamiko. Mas lalong kumilos ka, mas lalong iiksi ang buhay ng mundo mo. Tapos may tungkulin ka sa Inang Bayan mo, at kailangan mo imemorize ang UP Naming Mahal para sa CWTS. Na baka daw hindi pa ma-credit. Nababatid mo na tatanda ka pa, mas mahihirapan ka pa, at sa pagtanda mo lalo ay mawawalan ka ng ulirat sa lahat ng pinaghirapan mo noong mas bata ka pa.

Teka, tapos nakahithit ka ng diethyl ether (with complementary formalin smell), at nagmumukhang masarap ang mga ipis na dinidissect mo sa Bio lab.

So ano gagawin mo? Syempre, kumain. Hindi, lumamon. Tama, lumamon. Ngunit kasi di ka nakapagbreakfast, at hindi ka naglunch (para kung masuka sa amoy ng formalin, at least hindi ganoon kadami ang lilinisin mo sa electron -ic microscope mo). Kaya gusto mo kumain ng buong tamaraw. As in yung maliit na kalabaw. As in yung liga ng mga taga-UP. Tama, kakainin mo ang mga panaginip ng mga tao habang kinakain sila. Pero ibang tamaraw ang tinutukoy ko, yung tamaraw na ginagawang taxi ang tinutukoy ko. As in yung Tamaraw na naging Tamaraw FX na naging Revo na naging Innova. Ganun. Kakain ka ng bakal dahil sa gutom. Pero mahal iyon. Paano ka makakatipid?

insert sound effects dito ng taong sumusuka kumakain...seductively, or kung ano man yung nasa TV

Kumain ka dito sa Buffet Ministry! Personally, tawag ko sa kanya ay "Bente Buffet", kasi iyon ang halaga: bente pesos, na buffet. Sulit di ba? Kung sakali nagtataka kayo kung paano ito naging mas mura ng trenta kaysa sa CASAA (and it rhymes!), wais na streamlining ang ginawa dito eh:

- Walang kahera. Kaya walang babayarang empleyado, walang cash register, at syempre, walang sukli. May drop box lang kung saan ilalagay mo ang bayad mo, na bente. Benta , di ba?

- Walang dishwasher kundi ang sarili mo lamang. Kaya tipid sa dishwasher, kaya magbaon ka ng sariling styro, kubyertos, at baso mo. Pwede rin manghiram sa silid-kainan, pero huhugasan mo ang platong pinagkainan mo pagkatapos.

- Isang (kung minsan dalawang) putahe lamang. Mass production, girl/boy/bakla/tomboy! Para lang itong kwento ng Unidos Sovyet noong 1941: bawasan ang mga klase ng tangkeng ginagawa (paalam T26, T28, T35, KV1, KV2, etc..), damihan ang T-34. manalo.

Pero seryoso, kanin all you can, ulam all you can (basta alalahanin na dapat magtira ka ng kaunti para sa akin), bente lang. At ang ulam masarap. Kahapon atay na may itlog, kanina fried chicken (tapos may hotdog at meatballs nung paalis na ako), o di ba sulit? Ang oras, mga 10 yata, basta hanggang 6pm. Or 7, ewan.

Basta, sulit siya, seryoso. At bakit hindi nyo pa ito nababalitaan? Kasi nasa liblib na lugar ito, at hindi sinasama sa Freshie Survival Kit kasi syempre, dapat may advantage pa rin ang upperclasspeople kung saan mura ang stuff dito sa UP. Kunwari, kung saan mura ang pansit (sa Math Building, Php 14, mas mura ng piso kaysa sa pugad-kwago), kung saan malaki ang siomai (sa LB), kung saan mura ang isaw (sa malapit sa coop), kung saan nakakakuha ng kaligayahang walang hanggang...oops. Lihim ito.

Kaya yun, alam nyo na, kayo na bahala kung gusto nyo kumain doon o hindi. Wala lang, kwento lang, tinatamad pa ako mag-RDR. Yeah!

12 comments:

hya magat said...

di ko gets. saan? haha.

natawa ako dito :D

M., III, Pan said...

malapit sa sampa. alam mo ang crl? Church of the Risen Lord? May building sa tabi niyon, at sa loob niyon ang buffet.

niera dizon said...

so wrong.. sa ilang ilang malapit un.. nasa kabilang ibayo pa ang sampa.. wahaha! ililigaw mo pa ung mga tao trex.. :))

M., III, Pan said...

oh. oo nga ano. correction: malapit sa Ylang.

basta flower dorm.

at bakit si emoishgurl ay nagbabalik?

hya magat said...

oh. malapit sa amin.

M., III, Pan said...

opo

niera dizon said...

nagcheck lang ako ng updates dun sa original account ko.. baka dumami maxado eh.. :D

M., III, Pan said...

ah. clones.

niera dizon said...

yeah.. hahaha.. :))

M., III, Pan said...

You don't say..

niera dizon said...

huh???

M., III, Pan said...

clone daw eh.