Monday, March 7, 2011

Linggo ng Impierno


115: it's all green!
102: it's all meat!
150: it's all microscopic!
101: it's all gulay!
116: it's Mamaril. Oh the humanity!
119: it's all fish-shaped fish!

Hell week naman o. Nagwalkout ang gamit ko.
Actually, nanakaw sa mcdo bag ko. Andun ang Pechenik ko. Andun ang external ko. Andun ang laptop ko na configured para kumalap ng internet kahit saan, kung saan ang lahat ng songs, academic stuff old testaments since 2nd year PSHS, games, movies, songs, pictures, et al. Andun ang external ko, kung saan may more songs and movies. Andun ang lahat ng aaralin ko for this hell week.

Tapos ngayon wala na, likely binubura na ng mga magnanakaw dahil hindi nila alam ang tunay na halaga ng laman ng laptop at external na iyon, ni hindi nila alam ni walang pakialam sa Invertibrates book na iyon, o sa notes na iyon. Kapag alam nila ginagawa nila ibabalik nila ang lahat ng gamit ko uinscathed, pero likely bobo sila at walang pakialam kung ang kanilang panandaliang takaw para sa pera ay magdadala ng ilang dekada ng kawalan ng pagasenso ng buong mundo. Ang ginawa nila ay magdadala ng maagang pagkaagnas sa kanila, at mga minamahal nila. Ang ginawa nila ay sumira sa isa sa mga pinakamasigasig at pinakamaligalig na kasaysayan; ang kawalan nito ay ang kawalan ng milyun-milyong mga historyano sa buhay-akademiko mula 2005-2011. Ang ginawa nila ay magdadala lalo ng gutom sa kanila, kahirapan sa bansa nila, at kawalan ng pag-asa sa mga samu't-saring mga tao sa mga sumusunod na henerasyon.

Dahil sakim sila. Dahil di nabantayan ang gamit. Dahil di alam ng Ateneo couple ang halaga ng bag na iyon. Dahil hindi nila naintindihan sinabi ko.

Ang halaga ng Pechenik ay malaki. Ang halaga ng Mamaril notes; malaki din. Ang halaga ng 150 notes ay bumaba, pero tataas ulit dahil sa kalokohan nila baka mapafinals pa ako. Ang halaga ng 119 notes; dahil sa kanila ang food security ng bansa ay nabawasan ng ilang taon. Pero ang halaga ng mga data sa external at sa laptop mismo....buhay. Hindi lang sa kanila, kundi sa bilyones na naghihintay ng lunas na ang pagdating ay naudlot dahil sa pamimik-ap nila ng bag. Mas mahihirapan bumangon ang Pilipinas. Mas mapapabilis ang pagkasayang sa likas-yaman ng mundo. Mas mapapabilis ang pagdating ng mainit na kamatayan ng kalawakan, dahil lang gusto nila ng pera. Sapagkat di lang kalokohan ang laman ng laptop na iyon. Ang dala niyon ay pag-asa, kaligayahan, talino, at galak sa madami, sa madla, sa masa, sa kanilang mga salisi boys mismo pa nga, kapag natapos lang ang mga proyektong nakatago sa hard disk na iyon. Ngunit hindi, at dahil doon sila ay hindi makakaramdam ng talagang tamis at ligaya, at buhay na kaysaya sa bansang sana'y kayganda, mundong sana'y napagpuspusan ng mga bunga ng mga binhing nakatago sa laptop na iyon. Nabubuhay lamang sila para sa isang madilim na katapusan; kahit ako ay naaawa din sa kanila at kanilang pagkakamali.

Bagaman gusto ko maghanda ng isang matinong huling pagpupugay sa laptop na iyon, masyado akong busy kasi hell week ko ngayon. Dapat mabalik sa akin ang gamit ko bago pa lumala ang kalagayan ko, at lalo na ninyo. Hindi ninyo alam ginagawa ninyo; dala lang ninyo ang kamatayan ninyo.