Monday, February 14, 2011

Diba Kahapon Valentines na Naman?

parang dati lang....

Walang nagbabago talagang malaki sa akin ano? Ako na ang human constant.

At sa totoo lang, masarap hindi magbago din, na parang napapanood mo lahat ng mga kasama mo nagsisitandaan, nagkakapamilya, nagkakamatayan, at ikaw ay natitira sa trabaho o pag-aaral mo sa buhay na hindi natatapos. Maaasahan mo na may bukas kang makikita, may kahapon kang naaalala, may ngayon kang papansinin.

Na habang ang mga tao nag-uupgrade na ng "mygaaash" sa "*pawang katahimikan lamang*", ikaw ay nagsasalita sa paraan na naiintindihan ng mga tao ngayon at ng panahon nina Aguinaldo.

Na habang ang mga tao nagkakamaturidad na, naghahabol na ng mga pangarap, tinatakwil na ang mga dating adhikain andyan pa rin ikaw, di nagbabago hanggat makakaya.

Na habang ang mga tao nagsasama o nagbabasagan ng puso, pinapanood mo lang sila mag-away o magkatuluyan at pinapaalala sa kanila kung ano ang nakaraan nila, kung gaano sila kasaya sa unang beses maramdaman ito at gaano kasaya na napatagal (o nabasag) ang mga pagsasamang ito. At lahat nito masasabi mo nang walang pakundangan kasi ikaw mismo ay lagpas sa mga panandaliang mga relasyon.

Na habang ang mga tao nagsisimatayan sa katratrabaho para sa mga pangarap na lumalayo lamang lalo nakita mo na at nalaman ang katotohanan, at natutunan i-enjoy ang buhay ngayon.

O di ba ang saya?

Kasi naman, kung kailan di ko kailangan magcram dun pa ako nagpupuyat para sa acads. Somewhere Down the Road... to Perdition. Ahahahaha.