Tuesday, April 20, 2010

Dahil Birthday Ko

Yeah, 18 na ako, now what?

Ano ba pwede gawin ng 18yo?
- inom? Pwede naman ako magtimpla ng moonshine, or magpabili sa other people
- cigarilyo? hikain ako eh
- drive? dati na akong may licensya eh
- debut? lalaki ako eh
- pakulong? katamad eh, tapos di pa ako mae-excempt sa 71.1
- bumoto? never mind

So anong special? wala so birthday ko lang. random birthday celebration. favorite day ng mary janers.

korni. pero gusto ko ng cadena de armor at pellet gun na mumurahin lamang (yung hindi gumagamit ng compressed air or explosives at umaasa lang sa spring.)

at masaya ang kaliwang tuhod ko. Yeah!

Monday, April 5, 2010

Failure

Na naman.

Sanay na akong bumagsak nung hayskul. Sa murang edad natutunan ko na ang ganda ng mga epekto ng mediokridad (mediocrity) at katamaran, ang halaga ng di-pagpeperpekto sa mga bagay-bagay dahil may mga mas importanteng bagay sa buhay na dapat pagtuunan nang pansin. Ika nga, kahit di uno, basta di sipa.

Pero grabe lang. Sabog talaga ang sem na ito, ngunit inaasahan ko na iyon. So nagtakda ako ng bagong goal para sa sem na ito. Saktong sakto lang naman dapat di ba?

Ngunit sa kasawiang-palad, di ko ito nakamit. Worse, ako ang lowest sa buong class/block ayon sa mga scorecards (yun ba tawag dun?) ng mga prof ko (except sa physics 71 recit; ako ang 2nd lowest sa class dahil may isang Sarah Estacio), pero fail pa rin.

Gaano ba kahirap abutin ang tres?