Dahil nagsimula na ang sembreak ko last week
(may sumingit lang na finals,
sana ako'y nag-arals)
basta, astig, walastik.
So ito ang paalala ko sa sarili ko sa mga balak at balakid ko
para lubusin ang mumunting oras sa mumunting mundo:
1) alisin ang autorhyme na sumapi sa akin nung bio 4th long
kasi malawak ang kay Myk na ilong
2) gayahin si ste-la-nuza sa stick comics nya
para i-deliver ang joke, para masaya
3) daanan si jaja sa debut niya
nang nakacostume, at regalo pa
4) idownload ang TWILIGHT zone kasi astig yun
yung 1959 series, sinong meron?
5) daanan ang talyer ng rabbit sa angeles, yung nakikita ko dati
at makahingi, o bili, ng orig na prbl vintage na ordinary
yung nakikita ko nung bata pa ako sa kalsada
may rivets sa dingding at kunehong-corona
6) dumaan sa 4th Santago kahit ito'y warak-warak
bisitahin ang mga lumang pres. limousine, at i-kodak
7) bilhin muli ang "Lipon" ko sa ffs na may kamahalan
pabili naman sa "akin", sino ka man
8) humabol sa "internet duties" ko
kung anu-ano iyon, tanungin nyo
9) matuto magpataas ng grado nang nagmumukha paring timang
para sumunod sa self-image ko: timang na may lamang
10) lubusing ang torrent sa bahay
pagkat pagdating nang pasukan ito'y bye-bye
11) magpakatakaw, magpakataba, kumain nang kumain
kasi ako'y nangangayayat, at masama na ako'y gutumin
12) ilililista ko pa ba ang iba?
sa sunod na lang, bye bye na
aalis ka na....at gagawa ako ng *insert tao here* jokes, ya.
at ble at bla at iba pa
o di ba ang saya.
Saturday, October 24, 2009
Saturday, October 10, 2009
Isang Gabing Natutunan
Kahapon dumalo ako sa kaarawan ni Kim (matapos ng Inferno Sabado: hell na Chem lab, antehell na CWTS, at Cania na Chem lec), at napunta na sa debut na dinner niya, at dahil sira ang panuldok sa laptop ni Raffy ngayon, di ako makatapos ng pangungusap, kaya ililista ko na lang ang mga natutunan ko kagabi:
- Yun pala ang Tomas Moratio, at ang Zirkoh at ang mga kaydaming bar na mukhang masaya
- Hinihingi pala ni Myk ang 3rd year STR poster namin, na winasak kasi pinagkukuha ang mga magic cards na nakasiksik doon
- Mahal pala giftwrapping, kung pwede naman ibalot sa dyaryo ang regalo di ba?
- Iskolar si Lancion, as in may allowance na libre pa sa matrikula
- Malawak pala talaga ilong ni Myk Sia
- astig Garnet, as in iniisip ko na "Sana Garnet ako", pero naisipan ko na kung Garnet ako siguro mamamalagi na akong bagsak
- di pala alam ni Jason na UST si Myk
- pinagkalat ni Myk ang mga rj-45 songs sa UST friends nya
- sana nag-UST na lang ako siguro
- may gusto si Myk kina, (censored ba dapat ito?)
- malaki ang bahay ni Raffy
- sinipa ni Myk yung janitor sa pisay
- loser si Myk; library boy si Raffy nung Ateneo pa sila
- ambaba ng self-esteem naming lahat
- hinahanap talaga ng camera si GMA, kahit na may nakaharang na Raffy
- pinapakodak ni Myk ang noo niya
- kilala ako ni Crystle sa pangalan at mukha for some strange reason, at kilala ko pala siya
- sabog na weird yung ulo si Sarah, na cute daw sabi ni Myk, yung buhok, at yung tao
- dahil sa poring kaya nagkaroon ng unang pag-uusap sa Garnet between Kenet at Raffy
- ang unang inasar sa Garnet ay si Dandy daw
- donya ng tahanan si Kim
- at nagrarant pala siya, as in ewan, rant daw eh
- matino sana si Monmon kung di niya nakilala si Myk
- buti di natulad si de Guzman kay Monmon
- matalino si Kenet pagdating sa sa asaran
- tanghali gumising sina Raffy at Myk, kaya ako di makabalik ng dorm para sa mga pagsusulit
- panira ako sa Myk's et al classification system ng Magne
- ang isang Crisron ay nananatiling Crisron magpakailanpaman
- maganda magcaroling sa Meralco kasi nagpapamigay sila ng violin
- napaka-inefficient ng digestive system ko
- panganay si Raffy
- high-profile daw ako sa mga dahilang walang nakakaalam
- si Gabito ay di matalo-talo sa burungusan
- adik si Myk sa pulot
- nakakahawa ang pagkadelinquente
- Goldberg machine ang umubos sa 3rd year str groupmates ko
- et cetera
gising na kayo, may plano pa ako pumasa sa chem
Subscribe to:
Comments (Atom)