Sunday, September 27, 2009

Meal Ready-to-Eat (U.S. Army)

Rating:★★★★
Category:Other
Dahil sa bagyo, nagkatrapik sa Maynila. At kung trapik sa Manynila, edi nasabit ang mga trak ng pagkain ng UP, so sa gabing ito walang pagkain sa UP. PEro ako ay naghanda na 3 months in advance para sa ganitong pangyayayari, at bumili ako ng US government MRE-I (Ready-to-eat individual) sa amin at a low low price of Php 150 lang. Sabi nga ng ale bagong deliver daw iyan, kaya tig-150. Kung medyo luma na, mga isang taon na, yun ang tig-100. At ang expiry nito? 3 years, o kung trip mo, 10.

Bale ang MRE ay nakalagay sa isang brown rubbery bag, may nakasulat na menu (Menu # 13: Cheese tortellini vegetarian meal yung nakuha ko), tapos U.S> GOVERNMENT PROPERTY COMMERCIAL RESALE IS UNLAWFUL". Whoops. Tapos nadiskubre ko na kung bakit sa military lang binibigay ito: napakahirap buksan ang peelable seal ng bag nito, dapat SEAL ka ng Navy bago mo mabuksan ito nang maayos.

Kaya ginunting ko. Dahil sa gutom. Ano ang laman nito?
- Reese's pieces na canday na mukhang peanut butter na Nips o M&M
- kutsarang kulay kahoy, malaki at plastic. Kung pinitik parang party spoon ang tunog.
- "Beverage Base raspberry (sugar free)", phenylketonurics: contains phenylalanine. Add to 20 fl. oz. bottled water. Shake gently....ah, powdered juice.
- isang malaki at siksik na paketa ng chunky peanut butter
- crackers na kasinglaki ng tiles sa banyo, mukhang tiles ng banyo ang texture, at kasingtigas ng banyo tile
- weird na food heater, as in dalawang plastic Ziplock bag na may puting sachet sa loob, para sa drinks daw ang isa, Ewan, exothermic yata yung laman ng bag.
- beverage bag. As in Ziplock na ginagamit para tumunggga ng pinainit na raspberry juice.
- kikay kit, includes: posporo, towelette, iodized salt, seasoning na walang salt, matigas na puting thing, parang square na mentos, tissue na amoy pagkain, at "Spiced Cider" na apple juice drink
- Spiced apple pieces sa brown na kariton (kapansin-pansin na mahilig ang mga Amerikanong kawal sa pinaanghangang mansanas)
- "chocolate flavor HOOAH! Nutritious Booster Bar". As in HOOAH! ang kuno brand ng cocolate bar. Nabalitaan ko ang mga ito, chocolate bar na kailangan gawing chocolate flavor kasi ganun ka-saksak sa preservatives. Three years ba naman bago mapanis di ba, e kailan ba napapapanis ang Tsoknat?
- and finally, Cheese Tortellini in Tomato Sauce. Dinner! sa isang brown na kariton.

Kaya ayun, binuksan ko na ang karton ng cheese tortellini, at alam mo kung ano ang laman? Di ko maintindihan eh, isang bag na kulay putik, may print na pula. Medyo flat siya at saka malambot, parang lusaw na chocolate bar, yung totoong chocolate katulad ng Hershey's (yung HOOAH! bar? solid pa rin, kasingtigas ng natuyong Elastoseal).

Dasal, tapos buksan ang bag. may Tear Here sa gilid, sakto gutom talaga ako badly. Sobrang gutom nga yata ako, hirap akong buksan ang bag. O baka ganyan lang talaga pag laging nagpupush-up yung dapat na kakain ng rations na ito. kaya ginunting ko na lang.

Ayan, bukas na ang bag. Pagbukas, alam nyo kung ano yun? macaroni. Macaroni na tuyong-tuyo ang sauce, pero in fairness mabango ang sauce nito. Kinutsara ko na mula sa bag mismo, at alam nyo? Masarap siya. Ang macaroni ay malalki, at parang pinalamanan ng something. Ang sauce ay tomato sauce, as in hindi spaghetti sauce kundi talagang tomato sauce mismo. Seryoso, masarap siya. tapos binasa ko ang ingredients:

Andaming chem stuff. Riboflavin, ferrous sulfate, niacin, water. Yun pala ang cheese tortellini. tapos ang cheese, ricotta. Sosyal. Ito ay gawa sa whey, milk, vinegar, locust....bakit may locust sa kinakain ko? Bakit may locust sa kinakain ko? HOOAH!

Ok lang, lamon pa rin. Masarap ang locust tortellini pag hindi nagdinner eh. At ano pa, hmm. Tingin sa Nutrition facts. 230 calories isang bag, 60 galing sa fat. 12% ng daily cholesterol na ang nakain ko, at 35% ng sodium. Seryoso, 35% ng daily requirement ng asin? Tapos 20% ng Vitamin C. And stuff. E sa carbs? 12%. Wow, balanced meal ito ah.

At isang meal lang ito. Out of tatlo. So sa isang araw, ang sundalong di nagdidiet ay lumalagpas sa sodium needs niya. Nice. At naubos ko na itong tortellini. Gutom pa ako, ako nasa kwarto lang buong araw gumagawa ng fr. Paano pa kaya ang sundalo?

Next ko namang kinain ang spiced apple.Parehong carton, parehong tear here na bag na di naman mabuksan. Ginunting pa rin.Maasim na hiwa-hiwang mansanas in some carbonated sauce ang laman. Masarap din, syempre. Lasang masarap na gamot. Na masarap. Na gamot, pero masarap.

Nabusog na rin ako sa wakas. Kuntento, masaya, at nagboblog. Tapos dumating yung roomate ko, may dalang cup noodles.

Sana cup noodles na lang, para mas mura.

ADDENDUM: Ang crackers ay universal ang lasa, mapaSkyflakes o magic flakes o MRE flakes. At ang HOOAH! bar ay...it tastes crunchy and funny, chocolate bar na kailangan gawing chocolate flavor. Interestingly, malambot na ang HOOAH! bar, pero di siya dumidikit sa balot pag malusaw. Astig nga eh, chocolate toffee ang dating, na crunchy. Sarap!

Wednesday, September 23, 2009

Buffet Ministry (Buffet Bente)

Rating:★★★★
Category:Restaurants
Cuisine: Other
Location:CRL compound sa UPD, sa ikalawang palapag ng gusali sa kanan ng simbahan mismo. Itanong mo na lang sa Guardia
Isipin mo itong araw na ito, umuulan, tapos nakabike ka na mabigat na flat na umiikot ang upuan at may braking distance na katulad nang sa RMS Titanic. Di ka nagdala ng payong kasi mabigat. Umiikot ang quantification "therefore, malabo ang Philo 11" sa isip mo, may report ka bukas sa Chem 26 na di mo alam gagawin mo, at may RDR pa pala. Tapos binubulabog ka ng iyong konsensya na mag-aral para sa Bio (for fun daw), at may hardbound "Compact Edition" ka ng All of Shakespeare's Works kahit na isang maikling tula lang kailangan mo, na kailangan mo dalhin every other day. Tapos lagpas utak mo na ang Math.

Sinasakop ng mga komunista ang bayan mo, kinukurakot ng kapitalista kaban mo, inaakit ng mga imperyalista mga kaibigan mo. Inuubos ng pag-aaral mo ang nalalabing mga araw ng kabataan mo. At mabagal pa ang internet connection..

Anumang gawin mo, lahat magiging init. Heat death, ika nga, dahil sa ikalawang batas ng termodynamiko. Mas lalong kumilos ka, mas lalong iiksi ang buhay ng mundo mo. Tapos may tungkulin ka sa Inang Bayan mo, at kailangan mo imemorize ang UP Naming Mahal para sa CWTS. Na baka daw hindi pa ma-credit. Nababatid mo na tatanda ka pa, mas mahihirapan ka pa, at sa pagtanda mo lalo ay mawawalan ka ng ulirat sa lahat ng pinaghirapan mo noong mas bata ka pa.

Teka, tapos nakahithit ka ng diethyl ether (with complementary formalin smell), at nagmumukhang masarap ang mga ipis na dinidissect mo sa Bio lab.

So ano gagawin mo? Syempre, kumain. Hindi, lumamon. Tama, lumamon. Ngunit kasi di ka nakapagbreakfast, at hindi ka naglunch (para kung masuka sa amoy ng formalin, at least hindi ganoon kadami ang lilinisin mo sa electron -ic microscope mo). Kaya gusto mo kumain ng buong tamaraw. As in yung maliit na kalabaw. As in yung liga ng mga taga-UP. Tama, kakainin mo ang mga panaginip ng mga tao habang kinakain sila. Pero ibang tamaraw ang tinutukoy ko, yung tamaraw na ginagawang taxi ang tinutukoy ko. As in yung Tamaraw na naging Tamaraw FX na naging Revo na naging Innova. Ganun. Kakain ka ng bakal dahil sa gutom. Pero mahal iyon. Paano ka makakatipid?

insert sound effects dito ng taong sumusuka kumakain...seductively, or kung ano man yung nasa TV

Kumain ka dito sa Buffet Ministry! Personally, tawag ko sa kanya ay "Bente Buffet", kasi iyon ang halaga: bente pesos, na buffet. Sulit di ba? Kung sakali nagtataka kayo kung paano ito naging mas mura ng trenta kaysa sa CASAA (and it rhymes!), wais na streamlining ang ginawa dito eh:

- Walang kahera. Kaya walang babayarang empleyado, walang cash register, at syempre, walang sukli. May drop box lang kung saan ilalagay mo ang bayad mo, na bente. Benta , di ba?

- Walang dishwasher kundi ang sarili mo lamang. Kaya tipid sa dishwasher, kaya magbaon ka ng sariling styro, kubyertos, at baso mo. Pwede rin manghiram sa silid-kainan, pero huhugasan mo ang platong pinagkainan mo pagkatapos.

- Isang (kung minsan dalawang) putahe lamang. Mass production, girl/boy/bakla/tomboy! Para lang itong kwento ng Unidos Sovyet noong 1941: bawasan ang mga klase ng tangkeng ginagawa (paalam T26, T28, T35, KV1, KV2, etc..), damihan ang T-34. manalo.

Pero seryoso, kanin all you can, ulam all you can (basta alalahanin na dapat magtira ka ng kaunti para sa akin), bente lang. At ang ulam masarap. Kahapon atay na may itlog, kanina fried chicken (tapos may hotdog at meatballs nung paalis na ako), o di ba sulit? Ang oras, mga 10 yata, basta hanggang 6pm. Or 7, ewan.

Basta, sulit siya, seryoso. At bakit hindi nyo pa ito nababalitaan? Kasi nasa liblib na lugar ito, at hindi sinasama sa Freshie Survival Kit kasi syempre, dapat may advantage pa rin ang upperclasspeople kung saan mura ang stuff dito sa UP. Kunwari, kung saan mura ang pansit (sa Math Building, Php 14, mas mura ng piso kaysa sa pugad-kwago), kung saan malaki ang siomai (sa LB), kung saan mura ang isaw (sa malapit sa coop), kung saan nakakakuha ng kaligayahang walang hanggang...oops. Lihim ito.

Kaya yun, alam nyo na, kayo na bahala kung gusto nyo kumain doon o hindi. Wala lang, kwento lang, tinatamad pa ako mag-RDR. Yeah!

Saturday, September 12, 2009

Si Zorro at ang Fun Run


Isang araw, may bio prof. May long exam under sa kanya this coming Lunes. May estudrante siya. Ang estudrante niya ay nagpunta sa McDo katips kagabi lulan ang kanyang itim na bike para mag-Mafiawars Facebook date emo kwentuhan internet aral. Yup, aral.

Tapos, kaninang 5:45, bumalik sa Ipyl ang estudrante lulan ang kanyang bike. Habang dumadaan, may libreng drinking water, kasi pala may fun run. At may mga naghahanda na, nageensayo para tumakbo. At may bilang sila sa damit, para masabing sila ang mga tatakbo sa fun run. At andun si Zorro.

At nakipagusap ang estudrante at si Zorro.
Estudrante: Kuya, anong meron?
Zorro: Fun run...
*conversation ukol sa fun run*
Zorro: tatakbo ka ba?
Estudrante: Di po. Nakabike ako eh.
Zorro: *mumble mumble*
Estudrante: ano po?
Zorro: Get out of my sight.
Zorro: This is my territory.
Estudrante: E..
Zorro: Get aut-of my sight.
Zorro: *spanish-portuguese stuff*

At bumalik na sa Ipyl ang estudrante para mag-aral sa Bio. At nasobrahan yata siya sa kape sa McDo, na hindi naman pala nakakagising. Kasi libre refill ng kape sa McDo katips.

The end.

Friday, September 4, 2009

Niera Jokes

Nalalasahan ko na ang hell week. Actually tapos na hell week, at di man lang ako naka-graded recitation sa Inferno ni Dante, so hell week pa rin dahil ibibigay na ang list ng "Recommended to Drop" sa Eng 12.

Sabay may Math na inaalipusta ako dahil sa carelessness, Chem na ewan, Bio LT ukol sa Latinized Life, at Philo na basta malabo.

Malabo, Philo? oO! As in nasa kalingkingan na ako ng utak't mata ko kakahanap sa sagot na theoretically nasa handout pero in reality ay somewhere sa Logicland, na siguro kasinghirap ng pagtatambay sa Antehell nang walang Off! lotion. So yun..'.'.'

At dahil tinetesting ko ang aking bagong brew ng instant coffee-&-Ovaltine drink ko, gising ako since 7 am. Hyper ako magmula 7 am. At ngayon ay 3 am na. As in tila nag-max boost socialization points ko kaya relatively madada ako sa 16th birthday ng ka-orgish ko kanina (na 2008 din ang student number. Bata, ano?) Kaya gising ako ngayong alas-tres ng umaga, blogging.

So if ever ako'y matuluyan nang mahulog bukas sa CWTS, sundan ang aking payo na sundan ang instructions sa mga sachet ng powdered drinks.

And kaya, bago mangyari itong pandaigdigang trahedya bukas sa Mil Sci ko, gagawan ko na ng jokes ang pinakalawang pinakawalang pinakabata sa mga 08 na madaling gawan ng jokes (Hirap ng "Monmon", may makakabunggo yata akong zealots sa "Monmon Jokes" eh, na ngayo'y nawawala at nakalimutan ko na.)

Niera Jokes

1) Bakit napagkakamalang emo si Niera?
- Baka sa mannieraisms lang nya.

2) Saan dumadaloy emo thoughts and stuff ni Niera?
- Sa kanyang nieral pathways

3) Assuming emo si Niera, paano siya magsusuicide?
- Tatalon siya sa Nieragra Falls.

4) Sad. So paano niyan?
- Dadalo na lang tayo sa funieral niya.

5) Ang labo naman ng life(& death) story niyang iyan. Pero cool.
- Syempre, nantritrip ang nierator eh.

itutuloy...